Maikling Sariling Talambuhay ni Atty. Vitaliano Aguirre II

Isinilang siya sa matulaing Bayan ng Mulanay noong Oktubre 16, 1946 sa mag-asawang dating Mulanay Mayor Alfaro G. Aguirre at Maria Napenas-Aguirre. Panganay siya sa siyam (9) na magkakapatid na tatlong (3) lalaki at anim (6) na babae..

Atty Vitaliano Aguirre II heard No Evil

MARAMI ang hindi nakakakilala kay Atty. Vitaliano N. Aguirre II lalong-lalo na sa hanay ng mga kabataan. sino nga ba si Atty. Boy Aguirre? bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi sa kanya ng kanyang pinsang mayor, na ang kung hindi niya tinulungan ay matagal na sanang namatay at ibinaon ang ambisyon sa larangan ng pulitika? bakit parang isang puno na hitik na hitik sa bunga si Atty. Boy Aguirre na walang humpay na binabato ng kanyang pinsan?

Isinilang siya sa matulaing Bayan ng Mulanay noong Oktubre 16, 1946 sa mag-asawang dating Mulanay Mayor Alfaro G. Aguirre at Maria Napenas-Aguirre. Panganay siya sa siyam (9) na magkakapatid na tatlong (3) lalaki at anim (6) na babae.

Kasal kay Marissa Lim-Aguirre at nagkaroon sila ng tatlong anak na lalaki na sina: Aristotle, isang Occupational Therapist na nagtatraho sa New York at New Jersey, U.S.A.; Andrew, isang abogado na kasama niya sa kanilang law office, ang AGUIRRE & AGUIRRE LAW FIRM na nasa 2104 Atlanta Centre, 31 Annapolis St., Greenhills, San Juan City, Metro Manila; at Achilles, isa ring Occupational Therapist na naka-base naman sa Seattle, Washington, USA.

Ipinanganak sa tulong na isang hilot sa dating bahay ng kanyang mga magulang na natatayo sa San Potenciano St., sa Barangay Poblacion 4.

Nag-aral siya ng elementarya sa Mulanay Elementary School na kung saan nagpakita ng galing at talino sa kanyang pag-aaral. Nakuha niya ang karangalang “First Honors” mula Grade 1 hanggang Grade 5, at itinanghal na Valedictorian nang siya ay nagtapos ng Grade 6 noong 1959.

Pumasok sa High School ng San Beda College sa Mendiola, Manila bilang “Full Scholar” at napanatili niya ang kanyang paggiging “Full Scholar” sa loob apat (4) taon na walang binabayarang tuition sa San Beda, isang ‘exclusive school for boys’ at isa noon sa pinakamagaling na paaralan sa buong Pilipinas.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral bilang “Full Scholar” na muli sa San Beda at kumuha siya ng ‘Bachelor of Arts’ hanggang sa siya ay makapagtapos at ginawaran ng karangalang ‘Magna Cum Laude’ at Salutatorian ng kanilang klase. Wala pa rin siyang binayarang tuition sa loob ng apat (4) na taon.

Ang ambisyon niya ay maging isang abogado kaya’t nagpatuloy siyang mag-aral sa San Beda College of Law, isa sa pinakamagaling na paaralan ng Batas sa buong Pilipinas. “Full Scholar” pa rin siya sa loob ng apat (4) na taon at sa pagpupunyagi at angking katalinuhan, nagtapos siya bilang Valedictorian at Cum Laude. Siya ang bumigkas ng ‘valedictory address’ sa harap ng lahat ng nangagsipagtapos sa San Beda College noong 1971.

Kumuha ng Bar Examinations noong 1971 at nakapasa ng may gradong 85.25%

Nagtayo ng malaking law office sa Ayala Ave., sa Makati City, kasama ang kanyang mga ka-partner na sina dating ConCon Delegate Rodolfo D. Robles, kasalukuyang COMELEC Chairman Sixto S. Brilliantes, Jr., Atty. Jose M. Ricafrente, dating Supreme Court Justice Antonio B. Nachura, at dating Labor Attache sa U.S.A. Antonio A. San Vicente.

Dahilan po sa kakulangan ng espasyo, itutuloy po natin ang karugtong ng maikling talambuhay ni Atty. Boy Aguirre sa mga susunod na isyu ng Balitang Kamhantik. Nilait po ng pekeng Nasa  BALITA ang pagtatakip ng tainga ni Atty. Aguirre sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona. Ang dahilan ay sa sobrang INGGIT sa ginawa kong ito ng isang Mayor. Alam na alam niya na kahit kailan at kahit sa panaginip, ay hindi niya makakamit ang mga papuuri at paghangang ibinigay sa akin, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Maliban po kay Mayor, higit na marami ang may magagandang opinyon tungkol dito.

Ilathala po muna natin ang sinasabi at sinulat ng mga taong nakakakilala sa kanya, lalo na noong magkaharap sila ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senado upang ipagtanggol ang kanyang dangal noong ‘Impeachment Trial’ ni Chief Justice Renato Corona, na nasaksihan hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Higit pa doon ang ginagawa ko ngayon. Ipinagtatanggol ko hindi lamang ang aking karangalan, kundi karangalan din ng aking pamilya at ng aking mga kababayan!