Ang nagkukunwaring pahayagang “Nasa Balita” ay peke

“..tagurian po natin siyang “ITOT”, na kahimig ng mabahong “_TOT”

mayor-tito-ojeda

Bukod sa puro kasinungalingan at paninira lamang, ang lahat ng mga nilalaman ng pinakalat at nilathalang “Nasa BALITA” ay peke at malinaw na panlilinlang at pangiinsulto sa talino ng mga Mulanayin.  Siniyasat ko po ang “Nasa BALITA”, at natuklasan ko ang mga sumusunod: 1. Ang “Nasa BALITA” ay isang peke, huwad at nagpapanggap na isang diyaryo. Ang mga kopyang ipinamumudmod simula noong Hunyo 30, 2014 na nagsasabi sa kanang itaas sa unang pahina nito na ito raw ay nilimbag noong Sabado, Hunyo 28, 2014, limang (5) taon nang tumatakbo, isyu Blg. 180 at nagkakahalaga raw ng P8.00, ay pawang gawa-gawa lamang at ang tanging layunin nito ay papaniwalain ang mga Mulanayin na ang : ”Nasa BALITA” ay isang lehitimo at lisensyadong pahayagan. Subalit, kahit saang tindahan o “newsstand” ka magpunta, ay wala kang makikita o mabibili nito!

2. Ang isang “Agustin Noli Vidal”, na napapanggap na “Investigative Reporter at isang “Juan Tibayan Mendoza” ay mga pangalang likhang-isip lamang upang palitawin sa mata ng Mulanayin at linlangin sila na totoong diyaryo ang “Nasa BALITA”.

3. Sa kaliwang ibaba ng page 6 nito ay nakalagayang pahayag ng isang “Bernard Federico Jacinto”, na nagkukunwaring Editor-in- Chief, na ang “Nasa BALITA” raw ay isang lathalain ng May Pag-ibig Press at may punong tanggapan sa 67 Jecson Bldg., Port Area Manila. Sa “address” pa lamang ng tanggapan ay alam mong peke na naman ito dahil walang kalye o street na nakalagay. Kahit anong gawin mong paghahanap, wala kang makikitang Jecman Bldg sa Port Area, Manila. Lantaran po itong panloloko sa mga Mulanayin!

4. Alam naman po ng lahat ng Mulanayin kung sino ang utak ng panlilinlang na ito. Alam nila kung sino ang nagpalathala ng “Nasa BALITA” at kung sino ang nasa likod ng sobrang paninira sa akin at sa aming pamilya, kasama na ang mga yumao na hindi na maaaring ipagtanggol ang kanilang dangal. Ang makagagawa lamang po ng sobrang kasinungalingan at mga paninirang ito ay isang taong sukdulan ang itim ng budhi at sobrang dumi ng pag-iisip! Ngunit mapapansin po natin na kahit lantad na lantad na siya ang may kagagawan, bakit po kaya ayaw niyang magpakilala at panindigan ang kanyang mga sinasabi? Kung katotohanan ang kanyang mga sinasabi, bakit hindi niya ito akuin at panindigan?Hindi po ba ito isang kaduwagan? Akala ko ba ay napakatapang nito at ganoon na lamang kung murahin, laitin at takutin niya ang mga taong pinaghihinalaang niyang kumukontra o hindi sumusuporta sa kanya? Bakit po kaya siya nagtatago sa likod ng pekeng diyaryo? Bakit para siyang daga na nagtatago sa lungga?

5. Dahil po duwag at takot na magpakilala at panindigan ang kanyang ginawa katulad ng dapat na ginagawa ng isang tunay na lalaki, para maging madali ang pagtukoy sa kanya sa lathalaing kong ito,

tagurian po natin siyang “ITOT”, na kahimig ng mabahong “_TOT”.

Bago ko sagutin ang mga paninira sa akin, inuna ko po muna ang pagbubunyag at paglalantad na ang ”Nasa BALITA” ay isang peke o huwad na diyaryo, upang maging malinaw sa ating mga Mulanayin ang masamang layunin at hangarin ni ITOT.

Hindi po ba napakalinaw na napakababa ng pagtingin ni ITOT sa mga Mulanayin at ang ginawa niyang panlilinlang ay isang malaking paginsulto sa mga kababayan niya? Na sa paningin niya, ang mga Mulanayin ay hindi nag-iisip, tanga, mapaniwalain at hindi nakatapos ng pag-aaral na tulad niya? Ang akala po ba ni ITOT ay malilinlang niya ang mga Mulanayin at maniniwala na lamang sila basta-basta na lehitimo at hindi peke ang “Nasa BALITA”? Ang akala po ba ni ITOT ay lulunukin na lamang ng mga Mulanayin ang mga kasinungalingan at paninira sa akin nang hindi man lang nila susuriin kung totoo ang mga akusasyon niya?

ITOT, nagkamali ka na naman. Matatalino at hindi mangmang at tanga ang mga kababayan mo! Tanggapin mo naman na meron silang “common sense” at angking talino, at hindi sila tulad ng ilang nakapaligid sa iyo na walang ginagawa kundi masahehin ang napakatayog mong ‘ego’ o ang pagkabilib sa sarili. Marami sa mga kababayan mo ang mga disente, magaganda ang ugali,magalang at hindi bastos. Hindi nila maarok kung paano mo kinukuha ang kapal ng iyong mukha at itim ng iyong budhi para makapagpalabas ka ng ganoong uri ng nakapandidiri at nakasusukang babasahin! Ang akala mong ikaw ay papalakpakan ng Mulanayin sa ginawa mong pang-aabuso at paninira sa iyong kapwa, ay kabaliktaran ang nangyari. Hindi nila maisip kung saan mo hinuhugot ang kasamaan ng iyong kalooban at pagkatao para makagawa ka ng ganoon sa iyong kapwa!