Mayor, Tuluyan nang Pinabulaanan ng Department of Finance ang Sinasabi Mo na ‘Unqualified Opinion’ (Daw) ng COA

Pang labing-isa po ang Bayan ng Mulanay sa listahan ng BAGSAK ANG GRADO sa larangan ng pagmamaneho ng pananalapi sa loob ng tatlong (3) sunod-sunod na taon!

Failing-Marks-for-3-Consecutive-Years

Dahil sa mga ibinubulgar at inilathala na ‘adverse findings’ ng COA sa pananalapi sa Balitang Kamhantik, napilitan si Mayor tanggihan ang paratang na hindi maganda at ma-anomaliya ang pananalaping Bayan ng Mulanay.

Katunayan nito, siya ay nagpatalastas pa sa kanyang radyo ng mga ilang linggo at sinabi niyang ang COA ay nagpalabas ng ‘Unqualified Opinion’ na mahusay ang paghawak nila sa pananalapi sa LGU ng Mulanay. Ginamit pa niya ang pabor na opinion ng Municipal Accountant na si Ma. Pilar G. Ramos. Hiniling ng Balitang Kamhantik na ilabas sa bayan ang ‘Unqualified Opinion’ ng COA na sinasabi niya ngunit magpahanggang ngayon ay wala naman silang maipakita. Mga ilang lingoo lamang ang nakaraan, biglang lumiwanag ang katotohanan: na talagang walang mailalabas si Mayor na ‘Unqualified Opinion’ (daw) ng COA.

Sa February 25, 2015 issue ng mga malalaking broadsheet o newspaper katulad ng Philippine Daily Inquirer, nagpalabas po ng isang ‘full page’ advertisement’ ang Department of Finance (DoF) at Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng listahan ng walumpu’t pitong (87) munisipalidad o bayan sa Pilipinas na BUMAGSAK sa tatlong (3) sunod-sunod na taon sa pamamahala ng kanilang pananalapi. Ang titulo ng patalastas ng DoF at BLGF ay “These 87 Municipalities got Failing Marks for 3 Consecutive Years in Managing Local Funds”. Pang labing-isa po ang Bayan ng Mulanay sa listahan ng BAGSAK ANG GRADO sa larangan ng pagmamaneho ng pananalapi sa loob ng tatlong (3) sunod-sunod na taon!

Inilakip po namin sa isyung ito ang kopya ng ‘full page advertisement’ ng Dof at BLGF sa Philippine Daily Inquirer para kayo na mismo ang humusga kung nagsasabi ng totoo si Mayor Ojeda na mayroong ‘Unqualified Opinion’ (daw) ang COA ng magaling (daw) magmaneho ng pananalapi ng Mulanay ang kanyang administrasyon!

Kaya paano na iyan Mayor? Ipagpipilitan mo pa ba ang sinasabi mong maganda ang paghawak ng administrasyon mo sa pananalaping Bayan ng Mulanay? O dapat ka na rin bang mag-sorry sa iyong kasinungalingan?