Kgwd. Sebuc, lnihabla ng Panghahalay!

lnihabla ang isang konsehal ng bayan ng isang babaeng nagbabantay o caretaker ng isang computer shop na natatayo sa Brgy. Sta. Rosa sa bayan ng Mulanay ng salang panghahalay /kalaswaan o Acts of Lasciviousness at paglabag sa Republic Act No. 9262, isang batas na higit na kilala sa tawag na AntiViolence Against Women and their Children Act of 2004.

lnihabla ang isang konsehal ng bayan ng isang babaeng nagbabantay o caretaker ng isang computer shop na natatayo sa Brgy. Sta. Rosa sa bayan ng Mulanay ng salang panghahalay /kalaswaan o Acts of Lasciviousness at paglabag sa Republic Act No. 9262, isang batas na higit na kilala sa tawag na AntiViolence Against Women and their Children Act of 2004.

Ayon sa salaysay ni Gng. Rosalita Landicho y Rejano, alias Sally , habang siya ay nagbabantay sa computer shop noong tanghali ng Nobyembre 8, 2014, biglang pumasok sa computer shop at dumiretso sa kanya ang Kagawad ng Sangguniang Bayan (SB) na si Edgardo Sebuc, na kilala rin sa taguring ‘Kgwd. Eddie’. Sinabi ni Sally na ang kagawad ay nakainom at sinabi sa kanya ni Kgwd. Eddie na meron tumawag sa kanya at iyon ay nasa loob ng computer shop. Nang sabihin niyang wala naman tao doon maliban sa isang customer na naglalaro ng computer, sinabi naman ni Kgwd. Eddie na bawal ang computer shop dahil sa malapit ito sa eskwelahan.

Ayon pa rin kay Sally, siya ay tinanong ni Kgwd. Eddie kung nasaan ang pinto ng kwarto at pagkatapos ay naggupit na siya ng plastic cover. Tinanong din daw siya kung nasaan ang er at kung pwede raw siyang makiihi. Sinabi ni Sally na hindi pwede dahil iyon ay pansarili lamang.

Habang siya raw ay naggugupit ng plastic cover ay lumapit si Kgwd. Eddie at siniko-siko ang kanyang kanang tagiliran at hinawakan ang kanyang kanang dibdib. Umalis si Sally at lumayo papuntang gate ngunit sinundan siya ni Kgwd. Eddie at sinabi na “sumama ka na sa akin”. Sinabi niya na mamamatay muna siya bago niya makuha ang gusto niya sa akin. Sinabi rin daw niya na siya ay may-asawa ngunit sinagot siya ni Kgwd. Eddie na “mas maganda ngani ang may-asawa na”.

Napag-alaman rin ng Balitang Kamhantik na si Sally at Kgwd. Eddie Sebuc ay naging magkasintahan noong si Sally ay dalagita pa lamang at nag-aaral pa lamang sa Ajos National High School samantalang si Kgwd. Eddie naman ay isang teacher noon sa Ajos Elementary School.

Dahilan sa naging relasyon ng dalawa at hindi lang isang beses nangyari ang malaswang ginawang ito ni Kgwd. Eddie Sebuc, at sinabi nito sa kanya na nagbabalik ang nararamdaman nito sa kanya, si Sally ay natakot at nagpasiyang ihabla rin siya ng paglabag sa Republic Act No. 9262, isang batas na higit na kilala sa tawag na Anti- Violence Against Women and their Children Act of 2004. Ang mga ito, kasama ang sumbong na Acts of Lasciviousness ay ngayon ay nakabinbin at dinidinig ni Assistant Provincial Prosecutor Erwin M. Caparros ng Office of the Provincial Prosecutor sa Gumaca, Quezon.

Inilathala po namin sa isyung ito ang kabuuan ng dalawang (2) Sinumpaang Salaysay na ginawa ni Sally Landicho laban kay Kgwd. Eddie Sebuc para sa inyong kabatiran.

Unang Sjnumpaang Salaysay na ginawa ni Rosalita ‘Sally’ Landjcho sa Mulanay Police Station noong ika-08 ng Nobyembre 2014

Rosalita Landicho y Rejano Salaysay Mulanay page 1

Rosalita Landicho y Rejano Salaysay Mulanay page 2

Sinumpaang Salaysay nj Rosalita ‘SallY’ Landjcho na jnjhajn sa Office of the Provincial Prosecutor sa Gumaca. Quezon noong ika-20 ng Nobyembre 2014

Rosalita Landicho y Rejano Salaysay Gumaca page 1

Rosalita Landicho y Rejano Salaysay Gumaca page 2

Rosalita Landicho y Rejano Salaysay Gumaca page 3

Rosalita Landicho y Rejano Salaysay Gumaca page 4