Kwento ng Katiwalian

Attorney, meron lang akong gustong kumpirmahin sa iyo kung possible bang mangyari itong kwento ng “magkaibigang putik” tungkol sa “Katiwalian.”

(MONOLOGUE kausap si Attorney –  Part 3)

Attorney, meron lang akong gustong kumpirmahin sa iyo kung possible bang mangyari itong kwento ng “magkaibigang putik” tungkol sa “Katiwalian.”

Ganito yan nag-umpisa …

B.O.: Naku! Attorney,”body odor” ibig sabihin nito ha. Baguhin ko na lang kaya, Bret na lang, Bret.

Umpisa ulit.

Bret: Pre’ paano ba tayo makaka-delihensiya ng pagkaka-perahan?

Pre: Anak ng pwe, kayo nasa poder ako tatanungin mo. Wala ka talagang sinabi kay TOL MAYOR mo (si TOL MAYOR, utol ni Bret) Kita mo si TOL MAYOR mo, sabi na nga nung mga kababayan natin, kaliwa’t – kanan na ang delihensiya, nangungurakot pa, at walang kabusugan, hindi pa makuntento kaya pati mga kababayan niya pinipilipit pa. Kung ako sa iyo eh di mag ‘jueteng” ka na lang.

Bret: Oo nga ano. T.Y. (kinuha cellphone tumawag kay TOL MAYOR).

Bret: TOL, hahanap ako jueteng financier papa-jueteng ako para magkadelihensiya naman ako.

TOL MAYOR: Ogag ka talaga. Kukumpetensiyahin mo pa ako, hindi mo ba alam na matagal na panahon ko nang delihensiya yan. Huwag yan! Humanap ka ng iba.

Bret: Pre’ hindi raw pwede jueteng matagal na raw niyang delihensiya yon. Hanap daw nang iba. Ano pa ba? Illegal logging kaya?

Pre: Naku hindi pwede yan, kakaunti na lang ang mga punong kahoy at niyog dito, gusto mo pang kalbuhin.

Bret: Eh ano nga?

Pre: Maghanap ka kaya ng gustong mamuhunan ng “pangulong” tapos kunan mo ng trenta (30%) porsiyento eh di may delihensiya ka na.

Bret: aba okey ha. TY ulit. (kinuha ulit cellphone tumawag kay TOL MAYOR).

Bret: TOL, hahanap ako nang gustong mamuhunan ng “pangulong” tapos hihingian ko ng trenta (30%) porsiyento para may delihensiya naman ako, okey ba?

TOL MAYOR: Okey na okey yan, kaya lang baka walang pumayag.

Scene 2

Bret: Bakit TOL, bakit hindi sila papayag?

TOL MAYOR: Kasi, singkwenta (50%) porsiyento na ang kinukuha ko sa kanila, kaya baka wala ng matitira pa sa kanila ogag. (sabay sara ng cellphone).

Bret: Pre’ hindi din daw pwede yung “pangulong” kasi hawak na niya.

Pre: O kita mo na, eh di tama nga yung mga kababayan natin, walang kabusugan si TOL MAYOR mo, lahat gusto kamkamin. Kaya mabuti pa maghanap na lang kayo ng legal na pagkakakitaan, hindi yang puro kayo illegal.

Bret: Eh kasi Pre’ ang tagal magkapera pag legal. Samantalang pag illegal sandali lang may pera ka na agad. Wala pang kahirap-hirap.

Pre: Ah gusto mo illegal, anak ka ng …. ako aminado ako mababa lang pinagaralan ko kasi grade 4 lang inabot ko, pero mas bobo ka pa pala eh. Ang buong akala ko pa naman eh graduate ka diyan sa Recto ng MIIT (Mandaraya, Intrigero, Inggitero at Tsismoso). Ah, alam ko na, pinalsipika mo lang diploma mo ano?

Bret: Huwag mo masyado lakasan bases mo, baka may makadinig. Yun ngang kaso kong “Falsification” sa Civil Service Commission (CSC) may desisyon na.

Pre: Anong desisyon?

Bret: Pinasi-sibak na ako sa puwesto.

Pre: O eh bakit nandiyan ka pa?

Bret: Eh alam mo na, sabi nga ni TOL MAYOR ko, “What are we in power for” kung hindi natin uubusin ang resources at kaban ng bayan. Kaya nating gawan yan ng paraan.

Pre: Yun naman pala eh! Pangatawanan nyo’ na yan. Tutal yan naman ang “forte” nyo’ ang magpalsipika hindi ba?

Bret: Eh, ano nga gagawin ko?

Pre: Wag’ ako tanungin mo mabuti pa si TOL MAYOR mo ang tanungin mo sa bagay na yan at ng hindi mo siya masapawan.

Bret: (kinuha ulit ang cellphone para tawagan ulit si TOL MAYOR niya) TOL, bigyan mo naman ako ng delihensiya.

TOL MAYOR: (nai-irita dahil gusto siyang kotongan ng utol niya.) 0 sige, pumunta ka sa opisina ko bukas at i-issue-han kita ng mga Travel Orders para naman magka-delihensiya ka.

Scene 3

Bret: Talaga TOL! Sa wakas magkakadelihensiya din ako. Eh pero TOL, papaano ako makakakuha ng Certificate of Appearance eh hindi naman ako magtatravel kasi peperahin ko lang naman yan para magkadelihensiya ako?

TOL MAYOR: Ay naku Bret, tumanda ka ng walang tinandaan, hindi ka lang ogag at tanga, bobo ka rin pala. Ganito ang gawin mo, kumuha ka ng na-processed ng Certificate of Appearance at i-recycle mo. Papalitan mo lang nang mga detalye at petsa at presto! May pera ka na.

Bret: Pero TOL. Hindi ba falsification yan?

TOL MAYOR: O bakit? May bago pa ba? Hindi ba nagka-kaso ka na ng “falsification” dahil ilang beses mo nang ginawa yan, eh di gawin mo ulit, akala ko ba gusto mo may delihensiya ka? (sabay sara ulit ng cellphone).

Bret: Pre’ solve na problema ko may delihensiya na ako.

Pre: Good for you. Tutal nandiyan na rin yan tuturuan ko pa kayo ng isang siguradong pagkaka-perahan.

Bret: Sige.. Sige..

Pre: Ganito, magpakalat kayo ng malalaking tarpaulin sa loob at labas ng bayan, tapos lagyan nyo’ na lang nang kahit na anong messages na wala namang katuturan pero sigurado namang pagkaka-perahan. At para mabilis ang kitaan, huwag na ninyong idaan sa “Public Bidding”, magbigay na lang kayo ng kung anuanong dahilan na puro mga kabulastugan, sanay na sanay naman kayong gumawa nang ganyan, at magagawa nyo’ ng “Negotiated Procurement” at pera na agad .. Okey ba?

Bret: Pre’ para namang gusto mo na kaming mapahamak diyan sa suhestiyon mo ah!. Akala ko ba mag-kaibigan tayo.

Pre: Ano? may Alzheimer’s ka na ba? Kanina lang sinabi ko sa’yo na maghanap na lang kayo ng legal na pagkakakitaan hindi ba? Eh ang sabi mo matagal magkapera pag legal, O eh hindi ba kayo ang humahanap ng ikapapahamak ninyo dahil diyan sa mga pinagaga-gawa ninyong katiwalian? At saka akala ko rin magkaibigan tayo, pero kailan mo ba ako naalaala?

Bret: Pre’ naman, naaalala naman kita ah! Tinatawagan pa nga kita, pinupuntahan pa kita hindi ba?

Pre: Ha! . . . aha ay oo nga naman pala, pero yan ay ginagawa mo lang pag may kailangan ka … “kaibigang putik”.

Bret: Okey na, okey na, gagawin namin yang suhestiyon mo para kami magkapera!

Scene 4

Pre: Takaw nyo’ talaga! At saka yang tarpaulin bukod sa pagkakaperahan nyo’ na ay pakikinabangan nyo’ pa ng mahabang panahon alam nyo ba? Kasi ganito yan, pagkatapos pa lang ng “Negotiated Procurement” magkaka-pera na kayo, tapos pagbili ng materyales na kakailanganin para maitayo yang tarpaulin tulad ng mga kahoy, pako, semento at ng kung anu-ano pang materyales na gusto ninyong idagdag para naman sa pagpapa-gawa o pagpapa-kumpuni ng bahay nyo’ at saka yung mga laborer na gagawa pwede ang ilista nyo’ labinlima kahit ang gagawa lang ay lima, napakarami ninyong pwedeng pagkaperahan . At kung kayo naman ay mabibisto sa inyong katiwalian, siguradong kayo ay masasampahan ng kaso. Pero sana, huwag ninyong basta na lang ipadi-dismantle at itatapon yang mga tarpaulin kasi yan ay pwede pa ninyong pakinabangan. Kasi sa sandaling kayo ay makulong dahil sa inyong mga katiwalian, yang tarpaulin na yan ay inyong pakikinabangan, kayo ay may kumot na may mahihigaan pa. O di ba? Walang sayang..

Ano kaya Attorney, possible ba talagang mangyari itong kwento ng “magkaibigang putik” tungkol sa
“KATIWALIAN”? Posible nga ba?

Attorney, basa ka muna ng tula ng isang … lalaking umiirog sa babae, o babaing umiirog sa lalake, o babaing umiirog sa babae o kaya’y lalaking umiirog sa lalake … bahala ka na nga …