Maawa Ka sa Bayan

Tila yata nawala, ang “Nasa Balita”, Na noo’y nagngangalit, at handang maminsala..

I
Tila yata nawala, ang “Nasa Balita”
Na noo’y nagngangalit, at handang maminsala
Sa taong tinulungan siya, kaya ngayo’y nananagana
Sa ilegal na gawain, na siyang may pakana

II
Ginagawa lamang front, mga buya at bangka
Para modus operandi, madaling isagawa
Kung iisipin mo nga naman, makakatulong sa kapwa
Ang hindi natin alam, sila ang kumikita

III
Binigyan nya ng permiso, maliliit na mangingisda
May required pang mata, lambat na pamalakaya
Pero kung sa mata nya, at di ka kanila
Di nya pipirmahan, kahit nagseminar ka na

IV
Talagang nakakaawa ang bumibili, at mangingisda
Bibilhin sa ‘yo nang mura, iluluwas pa sa Maynila
Kung dito na lang sana, makakatulong pa sa kapwa
Na makahigop ng sabaw, ng hindi bangus at tilapia

Pati mga kontraktor, hindi rin s’ya naaawa
Binayarang bidding documents, hindi na nila makukuha
At yang mananalo, agad niyang kinukuha
Trenta porsiyentong kabuuhan, sa proyektong isasagawa

VI
Pati taong bayan kaawa-awa din naman
Proyektong isasagawa tiyak na babawasan
Mga materyales nila, para pagbawian
Sa ibinigay na porsiyento, proyekto’y may kapalpakan

VII
Isa pang nakakaawa magsasabong nating kapuwa
Na sa tuwina’y doon lamang makaranas sumagana
Pero ngayo’y wala ni kusing na kinikita
Tiyak na gugutumin at kumakalam ang sikmura

VIII
Mga tricycle driver ay tinanong ko muna
Kung sila ba ay, sumasapat pa ang kita
Kulang pa daw sa pamilya, ubos pa ang gasoline
Utang muna ang boundary, bukas ay doble na

IX
Pero noong una na may pasabong pa
Kahit walang pasok ang mga eskwela
Pag pasada ng Sabado, may panghalili na
Pagkain sa Linggo, araw ng pahinga

X
Hindi ba’t kahabag-habag, nangyayari sa kapwa natin
Ba’t natitiis mo sila, parang wala ka ng napapansin
Sa laki ng mata mo, kahit isa ay bulagin
May tira pang isa, sana naman ay sipatin

XI
Eleksyon na naman, ngayong 2016
Ang dami mo seguradong pondo, sa mga bibilhin
Mga boto ng tao, na wag mo namang alisin
Karapatang piliin, kung sinong papalarin

XII
Magkano lang ang suweldo, kung iyong iipunin
Iyon ba’y sasapat, sa eleksyon ay gastusin
Samantalang milyon-milyon, ang pondong alam natin
Saan galing ang iba, sa kabang-bayan natin?

XIII
Mga binuo mong samahan, na alam din natin
Tiyak na gagamitin, sa eleksyong darating
Sa kapalpakan sana wag mo silang dadalhin
Magtutulong sila, upang ika’y pabagsakin

XIV
Hindi ba’t pinalayas mo, ang ilang miyembro nila
Na akala mo nong una, ay naglalagay sila
At kahit itanong mo sinuman sa kanila
Sa konting pinamasadahan, ay hinihingan pa

XV
Ang malas din na man, nasu nog ang sasakyan mo
Sabi ng kaanak mo, gawa ng kaaway mo
Itanong mo sa mga tao, di naman sila hobo
Walang maglalakas ng loob, sa dami ng alalay mo

XVI
Sayang din naman, at may kabaguhan
Sabi noong isa na aking nakadaupan
Bakit ka manghihinayang, ay malay mo mapalitan
Nang mas mamahalin, sabi nong kaibigan

XVII
Ako’y natawa na rin, at totoo nga naman
Bakit sasakyan ni Meyor, ipaparada sa duluhan
Puwede naman sa gitna, doon sa may kalapitan
Sa mga alalay nya na gulping tatapang

XVIII
Wala akong hangad na kayo’y galitin
Ang nais ko lamang, bayan ang abyarin
Pero paano, mo ito gagawin
Kung wala ka dito, sa bayang magiliw natin

XIX
Walang sinuman, na nagturo sa akin
Upang isiwalat, ang aking saloobin
Hindi ba’t kasabihan, malaya ang lahat sa atin
Isiwalat ang lahat sa mga lathalain

XX
At sa murang kaisipan ng mga kabataan
Sana ay gabayan, nating mga magulang
Ang mga nangyayaring ito’y, bilang patunay lamang
Na ang katulad nati’y, may puwang sa lipunan

XXI
Sana ay tugunin, yan ang hiling namin
Upang taong bayan, ay hindi mabitin
Patunayan mong mali ang naririnig namin
Yan ang hiling ng bayan, sana’y iyong sundin

XXII
At sa kalapit-bayan, na naguguluhan
Na kung tutuusin, wala silang pakialam
Sa bandang huli sila’y maliliwanagan
Pagdating ng araw, pag hindi na ikaw