Misteryo ng Kamhantik

“SINO NGA BA ANG TOTOONG NAGHUHUKAY NG GINTO AT KAYAMANAN!?”

Mount Kamhantik

Mount Kamhantik

Matatagpuan sa mga bulubunduking sakop nang bayan ng Mulanay. Kamakailan lamang ay naging laman ng mga pahayagan,balita sa telebisyon at radio hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.Ito ay dahil sa mga natagpuan  libingan na tinatayang nasa 1,000 taon na base sa pagsisiyasat ng P a m b a n s a n g Museo.Ngunit ano nga ba ang misteryong bumabalot sa Bundok ng Kamhantik?

Yamashita’s gold (tinatawag din na Yamashita o Tiger’s Treasure)

Ito ang naging katawagan o bansag sa mga ninakaw na kayamanan ng mga sundalong Hapones sa mga nasakop nilang bansa sa Asya noong panahon ng giyera o World War II.Ipinangalan kay Heneral Tomoyuki Yamashita na tinagurian bilang “ The Tiger of Malaya”.Base na din sa kasaysayan, bago matapos ang giyera isa ang Pilipinas sa ginawang tulay o daan ng mga Hapones para maitawid patungong Japan ang mga ninakaw nilang kayamanan.Ngunit dahil na rin sa sunodsunod na opensiba ng mga sundalong Amerikano at Pilipino ay napilitan ang mga Hapones na iwanan ang mga kayamanan.Sinasabing ibinaon o itinago ito sa mga kuweba sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas partikular sa Luzon.

Ano ang kaugnayan ng Mt. Kamhantik sa Yamashita’s Treasure?

Noon pa man ay sinasabi na ng mga matatanda na isa ang bayan ng Mulanay sa ginawang garrison ng mga H a p o n e s . S a bulubunduking bahagi ng bayan na ito ay pinaniniwalaang may iniwan o ibinaon na kayamanan ang mga Hapones at kabilang na nga dito ang Bundok ng Kamhantik.

Natatandaan nyo pa ba ilang taon na ang nakalipas na may nahukay o nakuha na ilang pirasong antique na kagamitan sa isang ginagawang lote sa poblacion malapit sa dagat? Hindi iyon napakinabangan ng mayari ng lupa dahil kinuha at binawi ng pamahalaang n a s y u n a l . I s a n g pagpapatunay na maaaring marami pang nakabaon na kayamanan sa bulubundukin ng Mulanay.

Mt. Kamhantik bilang Tourist Spot?

Nagplano ang lokal na pamahalaan ng Mulanay na gawing tourist destination ang bundok ng Kamhantik na ayon sa mataas na opisyal ng bayan ay makapagdaragdag sa kita o income na umano’y gagamitin naman para sa mga social services.

Ngunit nakapagtataka na magpahanggang ngayon ay wala pa rin development na nakikita para maging isang tourist spot ang nasabing bundok?Hindi ba dapat ang isang tourist destination ay maging accessible para sa mga local at dayuhang turista?Bakit hanggang ngayon ay tila ni kapiraso ng daan patungo sa Mt. Kamhantik ay hindi man lang naisasaayos?

Naglabas ng malaking pondo ang local na pamahalaan para sa sinasabi nilang research & investigation sa bundok ngunit nasaan ang resulta ng pagsasaliksik at imbestigasyon?Matapos itong maipalabas sa nasyunal na telebisyon at malathala sa mga pahayagan ay tila parang bula na naglaho ang usapin tungkol sa bundok ng Kamhantik.

Ano ang nagyari sa ginawang pagsasaliksik at imbestigasyon?Nasaan na ang pondong inilaan ng local na pamahalaan para dito?Hindi ba dapat malaman ng mga mamamayan ang resulta ng imbestigasyon dahil ang ginamit doon ay perang mula sa buwis ng taumbayan?Sino ang nakinabang?May dapat bang itago ang local na pamahalaan na hindi dapat malaman ng mga mamamayan ng Mulanay?

Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa kayamanan na nakabaon sa Mt. Kamhantik?Sa kasalukuyan kapag ikaw ay nagpapagawa ng bahay at hinuhukay ang iyong lote, pagbibintangan ka na naghuhukay ka ng ginto o kayamanan.Ngunit ang tanong ng taumbayan,

“SINO NGA BA ANG TOTOONG NAGHUHUKAY NG GINTO AT KAYAMANAN!?”