Pagbabalik Tanaw

“Gaano katotoo na noong ikaw ay nakapuwesto pa noon ay malaki ang TINATANGGAP mo kay CHARING MAGBUHOS at ng mawala ka sa pwesto noong 2001 ng hindi ka na binibigyan ay ginamit mo ang iyong radio station upang siya ay BIRAHIN sa isang programa na may pamagat na, “ Ang Buhay at Pag-ibig ni Charing Magbuhos!” ?

mga kwento ng ating buhay

Noong isang gabi ay napanaginipan ko ang mga radio station na naipatayo ko noong tayo ay magkasama pa. Isinulat ko ito para ibahagi sa’yo sapagkat ng ako’y magising ay malalim pa ang gabi kung kaya minabuti ko na magkape muna. Sa aking pagkakape, ako ay nagmunimuni at nagbalik alaala sa mga nakaraan katulad ng mga sumusunod:

Ang pagpasok mo sa management contract sa DWCD FM na pag-aari ng mga DUMLAO na di kalaunan ay nauwi sa kasuhan at nanalo ka. Ang abogado mo dito ay ang iyong pinsan. Ako, kasama ang ilang mga tauhan mo ay sama-samang pumasok sa nabanggit na radio station upang ihain ang court order.

Ipinadala mo ako sa Mindoro para pangasiwaan ang pagtatayo ng radio station doon (AM Radio) sa ibinenta mo na frequency kay Gov. Rodolfo Valencia na ang gumawa ng kontrata ay ang pinsan mo na abogado. Di ba PAULIT-ULIT mo pa na sinasabi noon,”IBA TALAGA KAPAG MAY MAGALING KA NA ABOGADO”? Kasunod noon ay ang sa Palawan kay Mayor Edward Hagedorn kung saan nagtayo din tayo ng isang AM Radio Station. Ang nabanggit ko na dalawang AM Radio ay parehas na natapos sa paraan na gusto mo mangyari at wala naman masama kahit OVERPRICED dahil negosyo ito.

Naaalala mo pa ba si ENG’R. CESAR LLANORA na kasosyo mo sa Lipa City sa isang FM Radio Station na ng mabalitaan mo na tinutulungan ako ay KINUHA mo lahat ng equipment sa nabanggit na radio station? Ang masakit pa daw ay dinala mo ang mga files nila doon, TOTOO ba yun?

Sa aking pagmumuni-muni, naalala ko din ang mag-aamang PEDRO ASI na may kaunting lupain sa bayan ng Real na nagtiwala sa’yo, NABAYARAN mo na ba? Ang mansyon na ipinagagawa mo noon dito sa Lunsod ng Lucena, nakikilala mo pa ba si MANG JOE? Di ba siya ang gumagawa ng mga hamba at pinto na Maulawin sa napakalaking bahay mo? Natatandaan mo pa ba na kapag siya ay naniningil noon at wala ka pang pambayad ay inaaliw natin siya sa ginayat-gayat na GELATIN? Sa kagustuhang kumita ng nabanggit na si Mang Joe ay naibenta n’ya ang kanyang bahay at jeep, NABAYARAN mo na ba siya? Ang Lucena Art Center na pinagkabit mo ng mga salamin sa mansyon na iyon,totoo ba na ipinatanggal mo lahat ng salamin nang ito ay hindi mo nagustuhan? Saan na nila gagamitin ang mga salamin na iyon? Totoo ba na na-FORCLOSE ng bangko ang mansyon na iyon, na ang lupa na may sukat na 1,700 sq meters ay IPINAGKATIWALA sa’yo ng isang MR. LLORIN na napangakuan n’yo na babayaran? Totoo ba na nakaabot na ito sa korte at NANGAKO ka na magbabayad na? Bakit napapabalita na sa kabila na binigyan ka daw ng CASH na pambayad ay HINUHULOGHULUGAN mo lang daw ang Pamilya Llorin?

Ngayon ko lamang naiisip at nagtatanong ako sa aking sarili, Bakit kaya walang TUMATAGAL sa’yo na KASOSYO o KAPARTNER sa negosyo maging mga kasama? Bakit kinakailangang gipitin mo ang isang tao kapag hindi nangyari o hindi mo nakukuha ang gusto mo, katulad ng ginagawa mo sa akin ngayon? Natatandaan mo ba kung paano mo BIRAHIN sa radyo si MS. PERLA LUNA? Totoo ba na kaya mo ginawa iyon ay dahil hindi maipuwesto sa Mulanay ang kapatid mo na teacher?

Gaano katotoo na noong ikaw ay nakapuwesto pa noon ay malaki ang TINATANGGAP mo kay CHARING MAGBUHOS at ng mawala ka sa pwesto noong 2001 ng hindi ka na binibigyan ay ginamit mo ang iyong radio station upang siya ay BIRAHIN sa isang programa na may pamagat na, “ Ang Buhay at Pag-ibig ni Charing Magbuhos!” ? “

Paano kaya kung mabaliktad ang sitwasyon at mailathala namin ay ang mga kabanata tungkol sa, “Ang Kasaysayan ng Buhay at Pag-ibig ng Isang Mataas na Opisyal ng Bayan sa Piling Ni Dyesebel” ? (naku..mahaba-habang kabanata iyan..siguradong marami ang mag-aabang) “