Papel de Hapon

Dito sa ating bansa pakapalan ng mukha, ang mahalaga ay PERA at KAPANGYARIHAN

Sa bansang Hapon ay napakahalaga ng dignidad at karangalan. Kapag ang mga hapones ay nabigo at napahiya o nasangkot sa isang anomaly, sila ay nagpapakamatay kung tawagin nila ay HARA KIRI. Dito sa ating bansa pakapalan ng mukha, ang mahalaga ay PERA at KAPANGYARIHAN. Walang dignidad. Walang kahihiyan at walang kasiyahan. Katulad na lang nung isang empleyado ng munisipyo, sunod-sunod na ang natatanggap na DECISION na dumating sa kanya na DISMISSAL kaugnay ng kaso niyang pandaraya at santambak na ang kanyang motion na lagi namang DENIED, ay KAPIT-TUKO pa rin sa kanyang pwesto. Ang KAPAL NG MUKHA nito na mag-file ng appeal gayong alam na alam niya ang totoo na ibang tao ang ginamit niya. Hindi ito paninira at pambu-bully, ito ay totoo at hindi katulad sa ginawa ninyo sa isang dating empleyado ng health na inaakusahan pa lang ay hinatulan na agad ninyo. Araw-araw na ipinalabas at ipinakita ninyo sa local television kahit alam naman ninyo na dinidinig pa ang kanyang kaso. Iyan ang tuwirang paninira at pambubully.

Napakagaling namang magsalita ng isang mataas na opisyal ng bayan,sinisira daw ang magandang imaheng pamahalaan. Ano ang maganda sa isang MAANOMALYANG PAMAHALAAN na pinamumunuan ng mga taong sakim, walang kasiyahan at kabusugan? Mapaghiganti at walang ginawa kundi gipitin ang mga taong inaakala nila na kalaban nila sa pulitika? Katulad na lang ng  isang naluklok na Brgy. Chairman na ito na hindi naman malalagay sa kanyang posisyon ngayon kung hindi binayaran at pinaatras ang kanyang kalaban noon ay napakalakas ng loob na magsabi na naiinggit lang daw kay DYESEBEL ang mga taong pumupuna sa mga baluktot nilang gawain. Ano ang dapat ika-inggit kay DYESEBEL, ang kanyang KABAKLAAN? Ano ang dapat ika-inggit sa mga taong pati ang pagsisilbi nila sa simbahan ay ginagawang pananggalang pero RAPIST pala? Ano ang dapat ika-inggit sa mga taong sinungaling na hanggang ngayon ay patuloy na tumatanggi na hindi sila nakatanggap ng pera mula kay DYESEBEL?

Sa mga taong patuloy na nagpapagamit, may DIGNIDAD at KARANGALAN pa ba kayo? Wala na, subalit ito ay ay napagtatakpan lang ng karangyaan na tinatamasa ninyo. Sa kabilang mga biyaya na nakakamit ninyo ngayon ay wala pa rin kayong kasiyahan, dahil ang gusto ninyo ay LUMLUMIN lahat. Ang dapat na kainggitan ay ang mga taong marunong magpakumbaba, hindi mapaniil. Mga taong totoo, hindi mapagkunwari. Mga taong mapagkawanggawa at hindi naghihintay ng kapalit. Mga taong mapagbigay, hindiyung tanggap nang tanggap na lamang.

Katulad nitong si G. RICHARD GARCIA, nang magbalik sa sariling bayan ay hinanap niya ang kanyang mga kamag-anak, bukal sa kalooban niya at walang halong pagyayabang at busilak ang puso sa pagbibigay ng tulong niya sa kanyang mga kamag-anak. Ang ganyang tao ang dapat kainggitan, isang TUNAY NA LALAKI at TUNAY NA GARCIA. Marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan at tumanaw ng utang na loob. Hindi katulad ng magasawa na umuwi galing sa ibang bansa,nataranta ang mga taong kumupkop sa kanila doon dahil hindi sila makita ay labis ang pagaalala sapagkat silang magasawa ay TNT (Iago ng Iago) doon. Laking gulat nila nang malaman na nandito na pala sa Pilipinas at hindi man Jang nagawang magpaalam sa kanila maging doon sa matandang inaalagaan nila. Ang masakit dito, umalis silang hindi binayaran ang upa sa kanilang tinutuluyan doon. Wala raw utang na loob. Marahil ito raw ay may pinagmanahan.

Ang kolum na ito ay nagbibigay pugay kina Vice Mayor Andy Baronia, Kgwd. Tinan Aguirre at Kgwd. Gina Acar, mga taong totoong may malasakit sa kanyang mga kababayan, mga taong hindi ipokrito at totoong naglilingkuran sa bayan. SALAMAT PO SA INYO!!!!!!!!!!