Mga Sundot sa mga Pautot ni Itot

Ang totoo MAYOR, kaya mo ginigipit ang Pamilya Aguirre ay dahil nangangamba ka na baka kumandidatong mayor ang pamangkin kong si Kgwd. Tinan Aguirre.

Pautot ni Itot

Sasagutin ko pong lahat ang mga paninira, kasinungalingan at samot-samot na isyung ipinipukol sa akin ni ITOT. Hindi po katulad ng ginawa ni ITOT na bastabasta na lamang mag-aakusa, ang mga kasagutan ko po ay punong-puno ng ebidensiya at di mapapasubaliang katuwiran.

Inaakusan mo ako ng pangungupit ng pondo para sa kampanya at iyan ay napabulaanan ko na. Katunayan pa, noong Agosto 6, 2013, tatlong (3) matapos ang 2013 election noong 2013, nag-text sa akin si Kuya at nagsabi:

Aug. 6, 2013, 8:36 PM

“Boy maraming salamat sa iyo palagi na lang ikaw ang karamay ko pag may problema ako..hindi mo ako iniiwan. Maraming salamat.. God Bless You.. Ingat”

Suriin mong mabuti ang text na iyan, ITOT. Text ba ‘yan ng isang taong pinagnakawan ko o kinupitan ko? Alalahanin mong ipinadala niya sa akin ang text na iyan 3 buwan makalipas ang eleksiyon noong Mayo 13, 2013, na kung kailan ako’y pinagbibintangan mong nangupit ng pondo.

Ikaw naman MAYOR ang matanong ko: totoo ba na binigyan ka ni Kuya ng P3 Milyon para pang-gastos sa iyong gagawing State of Municipality Address (SOMA daw) noong Hunyo 30, 2014? Hindi naman ninyo itinuloy ang SOMA at ang okasyon ay ginawa lamang ninyo ni ITOT para mamigay o mag-distribute sa mga dumalo ng pekeng Nasa BALITA? Totoo bang ito ay pinaimbestigahan ni Kuya at napag-alaman na hindi lalampas ng P500,000.00 ang nagasta dito? Totoo bang nang malaman ito ni Kuya ay ito ay nagwika na “Para palang proyekto ng DPWH ang okasyong iyan, napakalaki ng mga pasobrang semento at buhangin.”? Nagsumite ka ba ng kwenta kay Kuya kung paano mo ginasta ang napakalaking halagang ibinigay sa iyo? Dapat gawin mo iyon at kung hindi ay baka pagbintangan ka na namang nangupitng pondo, di ba?

Si ITOT ay nagpapaayo at sumisipsip na naman kay Kuya sa kaso ni Kuya Hiram. Nagdadada na naman nang palso. Sobrang pakialamero. At nagimbento ka na naman. Wala kang alam doon dahil uhugin ka pa lang noon. Tagabili ka lamang noon ng beer at sigarilyo.Sa kasong ‘yon, ako ay abogado lamang ni Fidelino. Alam mo ba na tungkulin kong magtanggol kahit ang akusado ay may kasalanan pa. Hambog ka! Hanggang kamatayan, ang mga testigo tulad ni Mamang Amado Jocson, Kap. Dindoy Rosas at Romy Atendido ay lahat nanindigan sa kanilang salaysay tungkol sa kasong ito.

Sa kasong ito, ipinaglaban ko ang tama. Hindi dapat pagsamantalahan ang salapi ng bayan! Dapat sawatain ang mga kawatan. Ilan buwan pa lang akong nakapapasa sa Bar at naging abogado noong 1972 nang hawakan ko ang kaso. Dahil dito, ako ay inisyuhan ng Diktadurang Marcos ng Arrest, Search and Seizure Order (ASSO) na kinatatakutan ng lahat ng tao sapagkat ito ay may kasamang “shoot-to-kill order”. Nakatulong nang malaki sa akin si Gen.  Tagumpay Nanadiego nang ako ay aarestuhin ng Metrocom sa opisina ko sa Ayala Avenue sa Makati.

Ako ay nagtago noong una sa mga PC na naging sanhi ng pagka-dismiss sa ilang kasong hinahawakan ko. Mga limang (5) taonkong nilabanan ang Diktadura hanggang mapatunayan kong wala akong kasalanan at mapa-dismiss ko ang kaso kong “Inciting to Sedition”, na noon panahon ng Diktadura ay kasong walang piyansa. (Ang kabubuan po ng istoryang ito ay itutuloy ko sa aking gagawing maikling sariling talambuhay).

Ang nagpaalis sa mga Decena ay si Mr. Constancio Tan, at hindi ako. Saksi si Ted Sadili sa pagpaalis ng sheriff sa kanila. Nagtirik sila sa lupa ng subdivision nang walang karapatan kaya idenemanda sila ni Mr. Tan at ng kanyang abogadong si Atty. Pedro Magpayo. Nanalo si Mr. Tan sa husgado kaya talsik sila. May masama ba run MAYOR?

Wala akong kinalaman sa kasong isinampa nila sa noon ay Vice Mayor Den Maxino. Ikaw, MAYOR, ang may kagagawan niyan. Inupatan mo ang ilang mga konsehal na idemanda siya. Gusto mong hawakan ko ngunit tumanggi ako. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ako dumadalo sa hearing. Kapag hinawakan ko ang kaso, ipinaglalaban ko yan. Hindi ako tulad ng ibang duwag diyan. Ganyan lang kasimple iyan. Gets mo ba MAYOR? Bakit sobra kang madrama, eh wala ka naman yatang teleserye?

Oy, nag-aabogaduhan pa.Kapag ang prankisa raw ng sabungan ay walang “period of time” (ano yon?) ito ay ‘null and void’.Alam mo ba ang ibig sabihin ng ‘null and void’? Sino ba yong magaling mong abogadong experto sa batas?

Ikaw ang abusado at walang patawad MAYOR. Ang isang pulis na si SPO2 JR ‘Kulyog’ Soliven, na nagsilbi sa iyo nang mahabang panahon, itinaya ang buhay niya para sa kapakanan mo at inutusan mong mandaya sa eleksiyon para manalo ka, ay ikaw pa mismo ang nanggipit at pinakasuhan mo ng maraming sumbong ang pobreng pulis, na maaaring maging dahilan na matanggal siya sa tungkulin at mawala ang mga benepisyo niyang matatanggap, dahil hindi babayaran ng gobyerno ang kanyang paglilingkod nang mahigit na 20 taon.

Malupit ka MAYOR! Wala kang awa sa isang taong matapat na naglingkod sa iyo, na ang tanging nagingkasalanan sa iyo ay ang makipagusap lamang sa akin!!! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mong pang-aapi, ay aamu-amuin mo pa yong tao na bumalik sa iyo para daw lalong mawalan pa ng kaibigan si ATTY.

ITOT, nagyayabang kana marami kang kaibigan ngayon? Bakit, akala mo ba ay itinuturing ka nilang tunay na kaibigan? Nagkakamali ka naman! Ang pakikitungo nila sa iyo ay dahil lamang

kay Kuya, kaya n a k i k i p a g p l a s t i k a n lamang sila sa ‘yo! ‘Yong isang nasa SB, kapag hindi mo kaharap, sinasabi niyang matagal na siyang naaasar sa ‘yo. Hindinghindi na raw siya ulit eentra sa pulitika kapag katulad mo lamang ang makakasama. ‘Yong isang miyembro ng Big 4, nang makita niya ang kapatid ko sa Cavite ay sinabi:”Winasak ng pinsan mo ang Light Bringers Club. Napasukan tayo ng alas. Sinisiraan na rin kami”.Ganyan din ang nangyari sa isa pang miyembrong LBC na taga-Cavite rin. Na-bad shot ito dahil din sa paninira mo, ITOT. Maraming miyembro ng Light Bringers ang napasama nang dahil sa ‘yo.Ganyan din ang mangyayari sa iba pa. Pagkatapos kayong magamit at pakinabangan, asahan ninyong para lamang kayong basurang itatapon na lamang. Kaya ang payo ko: mag-ingat, mag-isip at huwag na huwag kayong magtitiwala kay ITOT.

Inaakusan mo si Tinan na nagpa-vote for one. ‘Yong isang kasama mo sa SB ang gumawa noon kaya mataas ang nakuhang pwesto; hindi si Tinan. Hindi namin gawain ‘yon. Ikaw ang may ganyang gawi. Tanda mo pa ba MAYOR nang alisin mo sa ‘sample ballot’ na ipinakakalat ng partido ang mga pangalan nina Kgwd. Ben Rejano at Kgwd. Maurito Medina, na noon ay parehong kandidato para ‘reelection’, dahil lamang sa sila ay loyal sa akin at hindi sa iyo? At dahil lamangdoon ay gusto mo silang matalo. Ang ginawa mong paglaglag sa kanila, kahit napakatagal nang panahon ang lumipas, ay kailanman ay hindi nila nalilimutan. Mula noon, isinumpa ng mga malapit na kamag-anak ng yumaong Kgwd. Medina na kahit kailan ay hindi na sila boboto sa ‘yo!

Bakit tuwang-tuwa ka sa masamang nangyayari sa kapwa mo? Para kong nakikinita ang ampaw na paghagakhak mo. Alalahanin mong parang gulong ang buhay. Kung minsan ay nasa ibabaw at kung minsan ay flat. Naranasan mo ito nang matagal na panahon. Gusto mo bang mangyaring muli ito sa ‘yo?

MAYOR, noong 1987, nag-usap tayo. Sinabi ko sa ‘yo na gusto kong tumakbo sa pagkacongressman sa 3rd District. Noon ay OIC Board Member ako ng Lalawigan ng Quezon. Sabi mo sa akin, sige Kuya Boy, susuportahan kita; sa iyo ang radio station ko at mga tao ko. Kaya naman tuwang-tuwa ako at sinimulan kona ang paghahanda sa eleksiyon. Ang siste, nangangampanya na ako sa mga bayan-bayan nang mabalitaan kong inunahan mo pa akong mag-file ng Certificate of Candidacy sa pagkacongressman din! Anong klaseng tao ka? Bakit parang hindi ka lalaki na marunong manindigan sa kanyang salita? Akala mo ba noon ay aatras ako dahil naghain ka ng kandidatura sa parehong posisyon? Ako, na noon ay 40 taon ang edad, isang abogado at Valedictorian ng San Beda College of Law ay aatras dahil lamang sa iyo, na 29 ang edad na walang mataas na kwalipikasyon sa posisyon maliban sa iyong pagkaambisyoso?

Nag-imbento ka na naman ng resulta ng eleksiyon natin. Ako ang nanalo sa San Francisco (Aurora) at kulang-kulang na sampung libongboto ang lamang ko sa iyo sa kabuuang resulta sa 3rd District. Nanalo ka sa Mulanay ng mga 100 boto dahil sa Mulanay ka na lang nangampanya sapagkat wala ka raw magastos sa paglibot-libot sa 12 bayan ng Bondoc Peninsula, at alam mo na wala ka naman talagang pag-asang manalo. Di ba naghain ka langng kandidatura para basagin ang boto ko? Nagtagumpay ka at sinira mo MAYOR ang magandang tsansa ko. Hindi na ako ibinoto ng marami kahit ako ang kursunada nila dahil sa pagtakbo mo. Ang sabi ng mga botante noon: “Papaano mananalo si Atty. Aguirre, eh kahit yong pinsang-buo niya ay hindi niya makumbinseng suportahan siya, bagkus, kinalaban pa siya!”

MAYOR, para satamang kaalaman mo at hindi ito tsismis, wala akong sinasabi na ako ang nagpapanalo sa walong (8) nahalal na Mayor sa magkakasunod na 8 eleksiyon simula noong 1992 hanggang 2013. Ang sinabi ko kina ABC Tammy, Pareng Toto, Ben at iba pa, ay bwenas ako sa pagpili ng kandidato sa nakalipas na 8 eleksiyon. Nakuha mo MAYOR? Dahil sa AKALA ko ay swerte na naman ako sa pang-walong napili ko (IKAW YON MAYOR), ibo-blow out ko at iimbitahan ko sila sa ‘executive house’ ko sa Clark Development Corporation (CDC) para ipagdiwang ang pagkapanalo mo noong 2013.

Ang totoo MAYOR, kaya mo ginigipit ang Pamilya Aguirre ay dahil nangangamba ka na baka kumandidatong mayor ang pamangkin kong si Kgwd. Tinan Aguirre.

Bakit? Dahil nakikita mong higit na mataas ang nakuha niyang boto na 12,119 kaysa sa nakuha mong 11,095 lamang. Hindi pangkaraniwan ito. Karaniwan sa eleksiyon ang nananalong Mayor ang mayroong mas mataas na boto kaysa sa mga konsehal niya. Pero mas marami ng 1,064 ang nakuhang boto ni Tinan kaysa sa iyo. At ang isang pinangingilabutan mo ay ang nakita mong laki ng lamang ni Tinan sa no. 2 na si Kgwd. Isid Fuerte. Karaniwan ay mga ilang daan lamang ang lamang ng no.1 sa no. 2, o maaaring wala pang 100. Pero noong nakaraang 2013, nilamangan ni Tinan si Mr. Fuerte ng 1,837 boto.

Ang Kamhantik Hotel, kasama na ang restaurant nito, ay ipinatayo ng pamilya namin hindi para kumita nang malaki o magkamal kami ng salapi mula sa kikitain nito. Para sa kaalaman mo MAYOR, at ito ay totoo at hindi tsismis. Itinayo ang Kamhantik Hotel para AKO AY MAGBALIK (GIVE BACK) nang kahit papaano o kahit kaunti sa mga minamahal kong mga kababayan dahil sa naging mabuti at mabait sa akin ang Mulanay. Nakatiim sa aking isipan ang mga magagandang alaala na nangyari sa Mulanay. Mahal ko ang Mulanay. Dito ako ipinanganak, nagkaisip, nag-aral, umibig, lumigaya at nagkaroon ng mga tunay na kaibigan. Gusto kong makaganti sa bayan ko kahit sa mga munting pamamaraan.

Gusto kong mayroon ang bayan natin na isang maganda, disente at maipagmamalaking hotel. Nakita ko, bago maipatayo ang Kamhantik, ang mga bisita natin ay bumabalik sa Catanauan para doon mamahinga at matulog at saka babalik dito kinabukasan dahil sa kakulangan ng disente at malinis na matutuluyang hotel dito sa ating bayan. Ganoon din ang restaurant. Kami ay nagpakilala ng “Italian Cuisine” at nagustuhan ito ng marami, hindi lamang sapagkat ito ay masarap, kundi dahil ito ay mura pa! Maraming Catanauanin ang dumadayo sa Bistro Vito Restaurant dahil sa masasarap na pagkain. Sabi ng marami: “Sobrang mura naman ng pagkain dito. Mas mura pa kaysa mga karinderia at turoturo”. Sa totoo lang MAYOR, halos balikpuhunan lang o maaaring lugi pa kami sa pagoperate ng resto, pero sa amin ay ok lang, sapagkat kahit hindi kami mayaman, ay nakapagbibigay kami ng k a h i t m u n t i n g kaligayahan at mapaglilibangan sa aming mga kababayan.

Ngunit, ITOT, dahil ginigipit ninyo kami at dahil hindi kami bigyan ng Mayor’s Permit, (nagyayabang ka na walang Aguirre ang makakakuha ng permit sa munisipyo), hindi kami makapagplano nang p a n g m a t a g a l a n . Pinagbabawalan ninyo rin ang lahatna huwag na huwag tutuntong sa Kamhantik Hotel, at kung hindi itosusundin ay maba-bad shot sila. Ganito ang dinanas ng marami katulad nina Kap. Domeng Ruedas, Mun. Assessor Bebot Matabang, Bayani Napenas, Jr., at marami pang iba. Para kang kung sino na? N a g b a – b a d s h o t , nagmumura kana rinat kung umasta ay parang diktador. Dapat mong ikahiya ang kakitiran ng pag-iisip mo.‘You are so petty’, nakaka-awa ka! Para kang isang munting langaw na humapon sa isang baboy, na ang akala niya ay baboy na rin siya. Dahil sa mga panggigipit na ito, para maiwasan ang malaking pagkalugi ay pansamantala muna naming ipinasara ang restaurant. Umaasa kami, na ito ay mabubuksang mulipara sa ikasisiya ng mga Mulanayin kapag dumating na ang higit na mabait na pagkakataon.

MAYOR, bakit gusto mong mag-resign o magbitiw sa pwesto ang kapatid kong si Baby Aguirre-Reyes? Bakit kung mag-aasta ka ay parang sarili mong kaharian ang Munisipyo ng Mulanay? Ang dapat na mag-resign ay ang sinasabi mong UTOL mo na nandaya sa Civil Service. Bakit hindi siya ang tanggalin mo ay alam mo na palang nandaya? Ang kapatid kong si Baby na graduate ng Bachelor of Science in Accountancy at mahigit na 20 taon nang matapat na naglilingkod sa gobyerno at may Professional Civil Service Eligibility ay tumatanggap lamang ng sweldong P26,125.00 bilang Exec. Asst. II. Samantalang ang kapatid mo at mga hinirang mong pamangkin na wala pang 5 taong naglilingkod sa gobyerno at walang Civil Service Eligibility, ay kaparehas na niya kaagad ang laki ng sweldo at mayroon pang allowance na P2,000.00. Tingnan mo MAYOR ang malanepotismong mga appointment mo:

Gilbert Ojeda Exec. Asst II, P26,125.00 

Ann Krystel Recidocruz, Exec. Asst II, P26,125.00

Glen Paul Ojeda Private Sec. P17,000.00

Masisisi mo ba si Baby na humingi ng promotion, na bukod sa may Professional Civil Service Eligibility, ay 15 taon na more senior sa mga pamangkin mo?

Tanong ko lang MAYOR. Bakit nagtalbugan ang mga 18 tsekeng inisyu mo para pambayad sa GSIS, Pag- IBIG Fund, Philhealth at 15 mga supplier ng munisipyo? Ganyan ba ang sinasabi mong maganda ang pamamahala mo sa pananalapi ng Mulanay? O, baka sabihin mo na naman na nakikialam ako.

MAYOR, totoo ba ang sinasabi mo na may report ang Commission on Audit (COA) na nagpapatotoo na mahusay ang paghawak mo ng kabang-yaman ng Mulanay? Na “Unqualified Opinion” nga ba ang ibinigay ng COA?

Pero bakit Mayor ang”Audit Observations and RecommendationsAs of December 2013″ ng COA ay kakontra ng mga sinasabi mo? Tulad ng nasa ibaba:

1) Tungkol sa pagkuha mo ng pribadong abogado na binayaran mo ng P180,000.00. Sabi ng COA, dapat daw kumuha ka ng kapangyarihan sa Office of the Solicitor General at sa COA bago ka umupa ng pribadong abogado. Hindi ba ‘disallowed’ na ito at ipinababalik sa iyo sa gobyerno ang P180,000.00? Ibinalik mo na ba?

2) Nagbayad ka raw ng P2,120,039.00 bilang “financial assistance” ng walang aprobadong panuntunan sa pagbabayad nito. Kulang din sa tama at kumpletong mga kasulatan kaya ang katotohanan at pangangailangan ng mga ibinayad ay “QUESTIONABLE”.

3) Kinikwestyon din ng COA ang pagkuha at pagbabayad mo ng P7,508,695.46 sa 156 na Job Order employees. Hindi raw malaman ng COA kung totoo ang mga ibinayad dahil walang Statement of Duties & Responsibilities at Accomplishment Reports.

4) Ang pagbabayad mo ng mga gastos na may kabuuang halagang P332,958.53 ay “QUESTIONABLE” na naman dahil kulang sa papeles at ito ay labag sa Section 4 (6) of Presidential Decree No. 1445.

Bakit ang report na ito ng COA ay kakontra ng mga sinasabi mo, na itinatalumpati mo pang may halong pagyayabang? Ipaliwanag mo nga MAYOR sa mga kababayan mo sa lalong madaling panahon kung bakit nililinlang mo na naman sila.

MAYOR, doon naman tayo sa tarpaulin ng hintuturo na ipinagawa mo, at sinayang mo lang ang malaking salapi ng bayan sa walang kapararakang ginastos dito.

Napansin mo ba na iyong hintuturo ay nakaturo sa Kamhantik Hotel ngunit ang tatlong (3) daliri nito ay nakaturo naman sa direksiyon ng bahay mo?

Ako pa ang pinagbibintangan mong balimbing?Di ba mga kandidato lamang ang bumabalimbing? At bago ka magbintang, tingnan mo muna MAYOR ang record mo sa pulitika. Kahit kanino ay sumasama ka basta may makukuha kang pondo.Para kang pasalna- pasal. At huwag ka nang magmalinis na hindi ka nagpayaman. Alam ng lahat, na puro utang ka at nakasanla na ang mga kabuhayan mo bago ka nahalal na muli noon 2010 sa tulong ko.

MAYOR, nagtataka ka kung bakit ako ay nakikialam sa pulitika samantalang ako ay pribadong tao lamang? Nagtatanong ka pa kung bakit ginugulo ko ang gobyernong lokal? Ang tanong ko naman ay ito:

Bakit hindi ako makikialam ay ako ay isang mamamayan at nagbabayad din sa Mulanay? May karapatan at tungkulin akong bantayan at pangalagaan ang kaban ng bayan. Ang gusto mo ba ay pabayaan ko na lamang ang mga kabuktutang nangyayari sa administrasyon mo?

MAYOR, tumulong ka na ba sa mga nasalanta ng Bagyong Glenda? Ito ang dapat mong inaatupag hindi yang puro pagpapapogi lang. Di ba ang naggagawa mo pa lang ay sumabay kay Gov. Suarez sa pagpunta niya sa Mulanay at, “true to form”, ay nakidutdot ka sa pamimigay nito ng ‘relief goods’ para makapagpakita ka sa mga Mulanayin na ikaw ay namimigay na rin? Hindi ba sobra ang yabang mo sa dami ng salapi mo? Bawas-bawasan mo naman ‘yan. Nakapamigay ka na ba sa sa mga Mulanayin mula sa sarili mong pera?

M A Y O R , nakapagpakabit ka sa Sta Rosa ng mga tubo o ‘pipes’ para madagdagan ang daloy ng napakalinis na tubig sa mga kababayan natin. Sa aming mga Aguirre ka humingi ng permiso at hindi sa mga Bocobo at agad naman kaming pumayag ng hindi nagbabayad ang munisipyo.Humiling kang muli. Nagsabi ka sa akin: “Kuya Boy, baka naman maaaring makapagpabutas pa ang munisipyo ng isa pang “deep well” para lumakas ang tubig natin? Hindi ka nagdalawang salita. Ano ang sagot ko sa ’yo? “Walang problema MAYOR, basta para sa bayan, ok lang, gawin mo.”

Pagkatapos ng lahat ng ginawa naming magkakapatid na tulungan ka sa kakulangan ng administrasyon mo sa tubig, kami pa ngayon ang masama. Sobrang galing mong umiwas sa responsibilidad mo at ipataw sa iba ang mga kakulangan at kapalpakan mo.

MAYOR, ang pakialaman mo ay ang pagpapatakbo ng bayan.Ayusin mo at gawing malinis ang iyong panunungkulan. Linisin mo ang maruming takbo ng pulitikana naging tanging tatak na ng Mulanay sa ilalim ng administrasyon mo. Magbago ka na. Huwag kang makialam sa buhay ng may buhay. Humingi ka ng tawad sa Diyos at sa mga taong pinagkasalahan mo, at gagaan ang kalooban mo.