Sa mga Kababayan sa Mulanay

Ako po ay kasapi ng Quezonians of Northern California at mayroon pong nagbalikbayan na may dalang “Nasa Balita” Newspaper nakatawag po ng aking pansin ang mga nakalathala doon

Ako po ay kasapi ng Quezonians of Northern California at mayroon pong nagbalikbayan na may dalang “Nasa Balita” Newspaper nakatawag po ng aking pansin ang mga nakalathala doon at balita galing sa Mayor ng Mulanay. Bago ko po nabasa ito ay marami na akong naririnig tungkol sa babasahing ito. Ang mga salita ay parang hindi galing sa isang taong kagalang-galang. Ang Mayor ay dapat maging huwaran ng mga tao ng kanyang bayan. Mag-iisip ng pananalita kung ang kanyang sasabihin ay hindi makakababa ng kanyang pagkatao. Sa aking pagkakaalam ko ang mga taong sinisiraan niya, bukod sa kamag-anak niya, malaki ang naitulong sa kanyang pagiging Mayor. Maraming nagsasabi na mga Taga-Quezon na parang ginagawang mga walang isip ang mga taga-Mulanay. Mayroon pang nagtanong “Ano ba ang pinag-aralan ng Mayor ng Mulanay? Bakit ganyan ang mga salita niya. Wala bang proofreader ang news na iyan?

Alam ko na iyan ay dahil sa pera na ipinamimigay ng isang taong malaki ang puso. Huwag kang mainggit sa pamilya ni Atty. dahil ang ibinibigay sa kanya ay pagtanaw ng malaking utang na loob. Ang ibinibigay sa iyo ni Mayor ay para ipamigay mo sa tao para ka iboto. Si Atty. ay malaki rin ang naitulong kay Mr. DG. Maaaring ang mga taong binibigyan ay rekomendasyon din ni Atty. Tungkol doon sa nabanggit na Hacienda. Hindi dapat iyan panghimasukan ng taong walang kinalaman. Kung walang alam sa puno’t dulo niyan tumahimik na lang. Hindi ka naman kapamilya nila pinupulaan mo rin ang “hotel business” na itinayo na sinasabi mong hindi nagtagal dahil sa hindi mo binigyan ng permit. Iyan ay extra income ng bayan. Mayroon pa akong napuna, pati ang mga taong sumakabilang buhay na ay idinawit mo pa ang mga taong hindi na makakapag “defend” sa kanilang sarili, hayaan na natin silang manahimik.

Gumagalang,
Elena Escober