Sa mga Kinauukulan

Pinabubulaanan ko po ang mga nilalaman ng liham daw ng aking inang si Mercy na inilathala sa pahina 10 ng Nasa BALITA.

Pinabubulaanan ko po ang mga nilalaman ng liham daw ng aking inang si Mercy na inilathala sa pahina 10 ng Nasa BALITA.

Tinanong ko ang Mama ko at sinabi niya sa akin ay kailanman ay hindi siya sumulat sa diyaryong Nasa BALITA at sinabi niya na puro kasinungalingan ang laman nun.

Bukod sa puro gawa-gawa lamang ang nilalaman ng huwad na liham, hindi rin po totoo na hindi ako ang nagpapatakbo ng Hacienda Tulungan. Ako po at ang aming pamilya ang nakikinabang at kumukuha ng lahat ng kita ng hacienda at kailanman ay hindi kumuha o humingi kahit isang kusing sina Tito Boy at Tito Oddy ng parte sa kinikita nito.

Napabulaanan na po ang mga kasinungalingan ito, nang si Tito Boy ay nanalo sa kaso niya kalaban ang mga kamag-anak kong mga Bocobo. Isa nga po ako sa mga testigo sa kaso at mababasa ninyo yan sa Desisyon ng Regional Trial Court na nakalathala dito. Pinatunayan ko po sa harap ng hukuman ang mga sinasabi ko sa liham kong ito.

Wag po niyong paniwalaan ang nilalaman ng pekeng sulat ni Mama. Layunin lamang po noon na manira. Mababait po ang mga tito ko at malaki ang naitulong nila sa amin.

Salamat po.

Rainier Aguirre Sign