Sala sa Init, Sala sa Lamig

Attorney, gulping-golpi ka rito ah! Ang lahat ng artikulong nakalathala dito ay sa iyo, sa pamilya mo, at sa mga magulang mong matagal ng namayapa nakasentro.

Vitaliano Aguirre II with President PNoy

(Monologue kausap si Attorney)

Attorney, may nabasa akong dyario ba yun? Na siguro nalimbag sa pangkalawakan kasi wala naman sila duon sa inilagay nilang address sa dyario ba yun?

Attorney, gulping-golpi ka rito ah! Ang lahat ng artikulong nakalathala dito ay sa iyo, sa pamilya mo, at sa mga magulang mong matagal ng namayapa nakasentro. Hindi ko pa nga nababasa lahat, kasi nakakasawa pag nakabasa ng isa o dalawang artikulo, parang nabasa mo na rin lahat. Kasi iisa tema . . . tsismis.

Nasabi kong tsismis kasi eto: * Pangalan ng dyario ba yun? “Nasa Balita” pero tanong ko sa lahat ngnakabasa na nito, meron ba kayong nabasang balita? Hindi ba puro pag-aakusa, panlalait at paninira lang ang dito ay nakalathala?

  • Ang address na inilagay nila ay sa Maynila, pero pag pinuntahan mo ubos na ang swelas ng sapatos mo hindi mo pa makikita. Kaya siguro nga nalimbag ito sa pangkalawakan.
  • Ang mga writer-contributors kasama na pati Editorin- chief, walang kaperso-personalidad (kasi walang person/s-wala ring edad) puro mga pangalan lang.

Suggestion:

  • siguro mas tama kung ang ipapangalan natin duon sa dyario ba yun? ay Ghos-Sip.
  • at yun namang writer-contributors ay tawagin na lang nating Ghos-sip writers.
  • yung Editor, tawagin naman nating Chief Ghossip Editor.
  • si Attorney naman ang Ghos-Buster.

Ang tema ng mga artikulong nakalathala ay iisa, puro pag-aakusa, paninira at panlalait sa iisang tao at iisang pamilya. Pero wala kang mababasa sa alin mang artikulong nakalathala dito na may iprenisintang kahit isang ebidensiya.

Ang tawag dito sa legal parlance ay “hearsay” di ba Attorney?

  • Sa mga akusasyong nababanggit dito ay may mga initial/palayaw ng mga tao na siyang diumano ay nagrereklamo laban kay Attorney at sa kanyang pamilya. Bakit takot ilagay yung buong pangalan ng mga taong ito? Dahil delikado di ba? Kasi pag walang nailabas na ebidensiya dito sa mga akusasyong pinagsasasabi nila ay baka ito mismong mga taong ito na ginamit nila para manira lang ng iba ang maghabla sa kanila.

Kasi yang Tsismis, yan ay gawa-gawa ng mga taong galit at inggit sa iyo na ikinakalat ng mga taong loko-loko at pinaniniwalaan naman ng mga taong kulang ang utak sa ulo.

Moral:

Huwag kang magyabang sa taong alam na alam mong di mo kayang lamangan o pantayan. Kasi darating ang panahon na siya ay iyong sisiraan ng walang dahilan . . . iba na yan, INGGIT ang tawag diyan.

Yan pa namang mga taong inggit, pilit kang sisirain sa anumang paraang kaya nilang gawin.

Kaya lang Attorney ganyan talaga ang buhay, kung may naiinggit sa iyo asahan mo na may pilit na maninira sa iyo. Yan pa namang mga taong Inggitero parang mga imbestigador yan, dahil halos lahat ng galaw mo, nakasunod sa iyo at binabantayan pati pag utot mo.

Pero sa isang banda, biggest fan mo sila Attorney, alam mo ba yon? Kasi gagawin nila lahat mapansin mo lang. (sa tutoo lang, inis na inis sila pag hindi mo sila pinapansin, kaya gagawin nila lahat mapansin mo lang.) Kakainggit ka Attorney, di ka naman artista pero may mga fans ka na.

Attorney, hindi ko nga maintindihan kung bakit may mga taong pilit kang hinihila pababa. Aba! hindi ba nila nalalaman na iisa lang ang ibig sabihin niyan . . . na nasa puwet mo sila.

At saka yang Inggitero yan yung mga taong galit na galit sa iyo ng walang sapat na dahilan, sila rin yung taong nilalaitlait ka para lang masabing mas magaling sila at yan din ang klase ng taong hindi makontento kung anong meron sa buhay nila, kaya pati buhay ng iba ay nakikialam sila.

Kaya lang Attorney, nakakaawa din sila, kasi napapabayaan na nila ang sarili nila, wala kasi silang ibang iniintindi kundi pakialaman ang buhay ng iba.

Bakit kasi hindi na lang sila makontento. Dapat nga maging masaya sila sa tagumpay ng iba, imbes na mainggit sila, gawin nila itong inspirasyon para maging katulad din sila, kasi kapag ang puso nila ay punong-puno ng inggit, lahat ng lalabas sa bibig nila puro panlalait.

Attorney, alam naman nating hindi mo kailangang makipagtalo para lamang mapatunayan na matatag kang tao. Kasi sa mga sitwasyon kagaya nito, minsan kailangang manahimik, hindi dahil sa takot tayo, kundi dahil walang matinong tao ang papatol sa taong ka-lebel lang ng aso.

Ang tunay na matalino, hindi lumalaki ang ulo, At ang tunay na edukado hindi nanlalait ng ibang tao.

Kaya Attorney, tama lang ang ginawa mo, imbes na makipagtalo, ay binigyan mo ng malinaw na paliwanag punto por punto ang mga akusasyong ibinabato sa iyo, para malaman na kung sino ang nagsasabi ng tutoo.

Alam kong may mga tao pa ring naniniwala sa kasabihang “Kapag tumahimik ka, guilty ka, kapag nagsalita ka naman, defensive ka”. Ika nga eh, “SALA SA INIT, SALA SA LAMIG”.

Matagal ko ng ibinasura yang kasabihang yan. Tutoo, lahat tayo may karapatang magsalita, pero wala sa ating may karapatang manira.

Nakakainis! Kaya lang pag nainis ka magugulo buhok mo, pag nagulo buhok mo, maiinis ka naman. Ano ba yan? Boom panis!!!

Ang artikulong ito ay pansarile kong opinion base sa aking mga nabasa sa anong dyario ba yun? Pero malaki ang kinalaman ng anong dyario ba yun? dahil sa mga artikulo duon ko ibinase ang aking obserbasyon kaya ko nabuo itong aking opinion. vic y. uy po, hindi Mulanayin pero anak ng Mulanayin.

Leave a Reply