“Wala akong nilokong kliyente!”- Atty. Aguirre

“INAM-AM NIYA ANG LUPA NAMIN KATULAD NG PAGAM- AM NIYA SA MGA LUPA AT SOLAR NA KARATIG NG BAHAY NIYA!”. IKAW IYAN, ITOT, ISANG TAONG WALANG PATAWAD, SOBRANG SWAPANG, MANLILINLANG AT WALANG KABUSUGAN!”

Igalang and Dignidad ng Tao

Maraming Pinagsilbihan ng Walang Bayad at Maraming Tinulungan Kahit Hindi Nagbabayad ng Tama Kabilang ang Isang Mayor at Kapamilya Nito.

atty-aguirreITOT, bilib talaga ako sa kapal ng mukha mo. Saan mo na naman kinuha ang mga ulat mo tungkol sa mga kasong hinawakan ko? Bakit puro imbento at guni-guni ang mga nasasaad sa iyong pekeng diyaryo? Kung gaano karumi ang pag-iisip mo ganoon din kasama ang mga kahambugang isinusulat mo! Isa-isa kong pabubulaanan ang mga kasinungalingan mo: 

1. INAM-AM KO RAW KAY B. TAN ANG ISANG MILYON PISO

Imposibleng mangyari ito. Ito’y kathang isip na naman ni ITOT. Si Ben Tan ay inaanak ko, hindi ko naging kliyente at napakabait nilang magasawa at lagi pang may regalo sa akin.

Si Bador Tan, kailanman ay hindi ko naging kliyente. Si Bebot ang naging kliyente ko pero puro ‘labor cases’ ang mga ito at naipanalo ko.

Si Danny Tan at kapatid nilang si Nita ay naging kliyente ko rin at parehong nai-abswelto ko sa demanda ng NBI laban sa kanila. Kinausap ko silang mga magkakapatid, kasama na sina Dr. Turing at Nita, at pinabulaanan nilang lahat ang mga akusasyon mo, ITOT.

Ang sabi nila, “ATTY., kailanman ay hindi mo kami niloko. Ang nanloko sa amin ay isang mataas na opisyal ng ating bayan.

“INAM-AM NIYA ANG LUPA NAMIN KATULAD NG PAGAM- AM NIYA SA MGA LUPA AT SOLAR NA KARATIG NG BAHAY NIYA!”. IKAW IYAN, ITOT, ISANG TAONG WALANG PATAWAD, SOBRANG SWAPANG, MANLILINLANG AT WALANG KABUSUGAN!

ITOT, nagkamali ka naman! Napahiya ka na naman! Ops, pasensiya na, wala ka na nga palang natitirang hiya sa katawan mo!

2. SININGILAN KO RAW NG MALAKING HALAGA SI ABU ROSALES, NGUNIT PINABAYAAN KO RAW ANG KASO KAYA NATALO

Dahil wala akong matandaang kaso ni Abu na hinawakan ko, pinakausap ko si Abu sa isa kong kapatid. Sinabi ni Abu na nagkakaso raw nga siya maraming taon na ang nakalipas ngunit hindi niya ako naging abogado. Hindi na nga raw niya matandaan ang pangalan noong abogado niya. Ipinabasa pa raw niya ang pekeng diyaryo sa kanyang inang si Hinlog Bella na nagsabing: “Paano kaya niya nalaman ang kaso mo? Nakakahiya tuloy kay Atty. Aguirre.” Hinlog Bella, huwag ka nang magtaka. Si ITOT ay walang kasing tsismoso, ang lahat binubusisi, lalo na kapag tungkol sa akin at sa aming pamilya. Inuuna niya ang magdadada at bale wala sa kanya ang katotohanan. Si Abu ay kawani sa munisipyo, kaya maaaring murahin at ipitin siya ni ITOT at ng kanyang mga alipores. Ang payo ko sa mga katulad mo: huwag matakot kung ikaw ay nasa matuwid; labanan ang mga mapang-api at abusado; ipaglaban ninyo ang katotohanan sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo!

ITOT, NABILAD KA NA NAMAN! Pero balewala ito sa iyo, kasi sobrang itim na ng budhi mo! Kahit mabilad ka, hindi ka na iitim, di ba?

3. SININGILAN KO RAW NG P60,000.00 NGUNIT HINDI HINARAPAN ANG KASO NG ISANG POBRENG TAGA-BRGY.  BURGOS NA SINAMAHAN NI KAP. FRED ECARO; NAILIGTAS DAW ITO NI MAYOR SA PAGKAKAKULONG

Mga ilang buwan lamang po nangyari itong paglapit ni Kap. Ecaro, sa Kamhantik Hotel na may kasamang babae na ang asawa ay may kaso sa RTC Gumaca. Hindi po niya ako kinukuhang abogado at gusto lamang po niya ay magtanong tungkol sa kaso ng asawa niya.Pinayuhan ko po siya kung anong dapat gawin at tinulungan kong hanapin sa RTC para basahin at ipa-kopya ang records ng kaso. Nagkataong meron po akong bista noon sa hinahawakan kong mga kaso ng pamilya Puyal ng Catanauan. Wala pong ibinigay na pera kahit isang kusing ang taga- Brgy. Burgos, manapay ako pa nga ang nagbayad ng konting ginastos.

Dahil sa ni katiting ay walang katotohanan ang akusasyong ito, galit na pinabulaanan ito ni Kap. Fred Ecaro sa pamamagitan ng isang sulat na inilathala ko sa babasahing ito. Para sa Kaalaman ng Lahat

ITOT, hindi ka maaaring mag-akusa nang mag-akusa ng wala kang ipinakikitang pruweba. Hindi katulad mong bobo ang mga kababayan mo! Maglabas ka ng ebidensiya tulad ng ginagawa ko. Gusto mo pang gawing bida ang isang MAYOR na nakialam sa kaso. Bakit, abogado ba ang MAYOR na ito? Hindi ba ang MAYOR na tinutukoy mo ay hindi man lamang nakatapos ng 2nd year college, pero may ipinakikitang diploma na ginawa sa ‘Recto University’ na siya raw ay ‘graduate’ ng kursong MassCom? Sabagay, pinatunayan lamang ng MAYOR na ito ang kanyang sagad-sa-buto na pagka-pakialamero at pagka-tsismoso.

4. WALANG PAGPAPABAYA SA KASO NI DRA. EPPIE CALINGASAN

ITOT, hindi ako ang humawak ng kaso ni Dra. Eppie. Si Atty. Florante Villegas, isang ‘associate lawyer’ ng aming bupete ang humawak ng kaso niya. Kaya, I T O T , talagang hindi ako ang uma-attend sa kaso ni Dra. dahil hindi nga ako ang may hawak ng kaso niya. Labing-dalawa (12) kaming abogado sa law office namin. Nauna na naman ang pagdadada mo! Alam mo ba kung ano ang usapan o mga kondisyones ng aming law office sa pagtanggap namin ng kaso ni Dra.? Magkano ba ang siningil namin kay Dr. Eppie para sabihin mong malaki?Alam mo ba ang tunay na nangyari sa kaso na siguro ay mahigit nang 25 taon ang nakaraan? Bakit hindi si Dra. ang pagsalaysayin mo? Maglabas ka ng detalye at pruweba? O kaya naman samahan mo si Dra. at mag-usap tayo. Kung wala kang pruweba o detalye ay manahimik ka na lamang. Lalaki ka ba? Bukod pala sa duwag ka at itinatago mo ang iyong pagkatao, hindi mo kayang panindigan ang mga paratang mo, at daig mo pa pala ang puwet ng manok sa pagiging palengkera at tsismosa.

5. ANG ‘ADVANCE RETAINER FEE’ AY PINAGKASUNDUAN NAMIN NI KUYA KAYA WALA KANG PAKIALAM DOON

ITOT, matagal ko nang kliyente si Kuya. May tiwala kami sa isa’tisa. Isang-kahig,isangtuka ka pa lang noon, ay kliyente ko na siya. Magkaklase kami sa pagaaral namin sa elementarya at higit sa lahat ay matalik kaming  magkaibigan at ang pagkakaibigan ay nagpatuloy kahit nang kami ay nag-aaral at nagtatrabaho na sa Maynila.

Ako ay naging abogado noong 1972 at si Kuya naman ay nagtayo ng kanyang sariling negosyo. Nagtayo po kami ng ‘law office’ ng mga kasama kong abogado sa Ayala Ave., Makati City. Maganda ang simula ng negosyo ni Kuya sa ‘construction’. Ngunit katulad ng ilang negosyo, hindi naging tuloy-tuloy ang paglago ng ‘construction business’ niya. Mga 1980s, maraming mga supplier niya ng ‘construction materials’ ang hindi nabayaran kaya ang mga ito ay naghain ng maraming kaso sa hukuman at sinisingil ang mga ‘deliveries’ na hindi niya nabayaran. Humihingi pa sa husgado ang mga nagdemanda ng mga ‘Writ of Attachment’, isang proseso sa hukuman na naglalayong ilitin o samsamin ang mga kabuhayan at mga ‘equipment’ at mga makinarya ni Kuya.

Nilabanan ko po ang mga nagdemanda sa maraming husgado ng Metro Manila kung saan nakabinbin ang mga demanda laban kay Kuya na humihingi ng mga ‘Writ of Attachment’. Milyon-milyon po ang hinahabol ng mga pinagkakautangan niyang mga ‘supplier’.Hindi ko po maaaring payagan o pabayaang mangyari o magtagumpay sila dahil kung mangyayari iyon ay mapaparalisa o baka matigil ang ‘construction business’ ni Kuya sapagkat kukumpiskahin nila ang mga kabuhayan at mga makinarya, equipment at mga nakaimbak na ‘construction materials’ na milyon-milyon ang halaga.

Sa awa po ng Maykapal, nagtagumpay naman po ako na pigilang kumpiskahin o samsamin ang mga nabanggit na mga bagay sa itaas. Wala po kahit isa sa kanila ang nakakuha ng ‘Writ of Attachmnent’ laban kay  Kuya. Naglabanan po kami sa hukuman ng mga nagdemanda sa kanya nang hindi kukulangin sa pitong (7) taon. Dahil po sa mahusay na pagdepensa ko sa mga kaso ni Kuya, wala po kahit isa sa mga nagdemanda ang nakakuha ng hatol o utos ng hukuman laban kay Kuya.

Habang naglalabanan po kami sa husgado ng mga nagdemanda, malayang nagagamit ni Kuya ang mga nakaimbak na materyales, ‘equipment’ at makinarya niya. Sa madaling salita, napaikot ni Kuya ang milyon-milyong halaga ng mga materyales nang walang binabayarang ‘interest’ o tubo sa loob ng hindi kukulangin sa pitong (7) taon.

Dahil sa walang ‘cost of money’ o ‘interest’ na binabayaran ang pinaikot na pera sa loob nang mahabang panahon, at dahil na rin sa di matatawarang sipag at tiyaga nilang mag-asawa, sa maaayos at matalinong pamamalakad, mabilis na umunlad nang napakalaki ang kanyang mga negosyo. Tandang-tanda ko pa nang sabihin sa akin ni Kuya: “Boy, bayaran na natin ang mga ‘creditors’ na nagdemanda sa akin. Nakabawi na ako. Hindi na siguro ako muling maghihirap.”

Dahil matagal na ang labanan namin sa hukuman ng mga nagdemanda at kahit isa sa kanila ay wala pang nanalo sa kaso, tuwangtuwa sila nang sabihin ko sa kanila na babayaran na ni Kuya ang lahat ng pagkakautang sa kanila

Simula nang panahong iyon, at magpahanggang ngayon, nagtuloy-tuloy ang hindi kapani-paniwalang pagpaimbulog at paglago ng negosyo at kabuhayan ni Kuya!Nagdilang angel siya.Talagang kailanman ay hindi na siya muling maghihirap!

Ngayon, ITOT, nagtataka ka pa ba kung bakit binibigyan ako ni Kuya ng para sa isang taon na ‘advance retainer fee’? Matagal na niyang ginagawa ito. Ngayon, alam mo, na maliit lang na halaga ito sa kanya. Barya lamang ito sa kanya. Dati, sa unang taon, buwanan lang ang pagbayad niya sa akin ng 12 tseke na ‘postdated’. Ngunit, nang sinundang taon, sinabi niya sa akin: “Boy, isang (1) tseke na lang ang iisyu ko para sa buong taon na. Sayang lang iyong 11 tseke.”!!!

O ngayon ITOT, naniniwala ka na ba? Naintindihan mo na ba, o talagang mapurol ka at alam mo lamang ay magtsismis? Ang hilig mo kasing makialam gayong hindi ka naman kasali sa aming usapan!

Ikaw, ITOT, kailan ka lang ba nakahawak ng milyon-milyong halaga? Kung hindi ka pa nakapanloko at nakapanira,  nakapanipsip, sigurado akong sobra-sobrang inggit pa ang tumutusok sa maitim mong puso magpahanggang ngayon! Bakit wala kang kabusugan? Bakit takot na takot ka na mawala ang biyaya pinanglokohan mo? Bakit para kang gutom-na-gutom na linta kung makakapit at makasipsip ng dugo ni Kuya? Bakit hindi ka masaya kahit nakahiga ka na ngayon sa limpaklimpak na salapi?Nararamdaman mo na ba na malapit ka nang singilin ng KARMA?

6. MARAMI AKONG HINAWAKANG KASONG WALANG BAYAD; MARAMI RIN AKONG NAGING KLIYENTE NA HINDI MARUNONG MAGBAYAD NG TAMA

ITOT, hindi kapanipaniwala na ako ay sumisingil ng attorney’s fee at pagkatapos pababayaan ko lang ang kaso. Isa ako sa mga tinitingala at kinikilala sa buong Pilipinas na magaling at responsableng abogado.

Maliit po lamang ang mga halagang sinasabi ni ITOT na inam-am ko raw kung ito ay ihahambing sa mga kasong gustong pahawakan sa akin.

Halimbawa: Noong 2012, ako po ay kinukuha ni Gng. Glenda Ecleo, na noon ay Governor ng Lalawigan ng Dinagat Islands, at ina ng noon ay Congressman Ruben Ecleo, Jr. Gusto po niya na hawakan ko ang kaso ni Cong. Ecleo na kung saan ay inaakusahan siya ng pagpatay sa kanyang asawa. Inalok po niya ako ng P5.0 Milyon na ‘acceptance fee’ hawakan ko lamang ang kaso ng anak niya, na noon ay naka-binbin sa Supreme Court ang isyu ng pagpapatibay sa hatol sa kanya na habang-buhay na pagkabilanggo.

Pinag-aralan ko ang ‘records’ ng kaso ni Cong. Ecleo. Natanto ko po na mayroong katamtamang tsansa (fair chance) na maipanalo ko ang kaso niya kahit natalo na ito sa Supreme Court. (Kung matatandaan ninyo noong 2011, na-abswelto ko sa Supreme Court si Hubert Webb sa kasong Rape with Homicide kahit nahatulan na siyang habang buhay na pagkabilanggo ng Court of Appeals.) Kung tatanggapin ko po ang kaso ni Cong. Ecleo, hindi kukulangin sa P20.0 Milyon ang ibabayad sa akin!

Isinangguni ko sa aking pamilya ang gagawing kong pagpapasiya kung hahawakan ko ang kaso ni Cong. Ecleo. Noong panahon iyon, hindi po sa pagbubuhat ng sariling bangko, sikat na sikat po ako at napakabango po ng aking pangalan, lagi akong nasa diyaryo at pinag-uusapan sa Internet at ‘social media’ dahil katatapos lamang noon ang ‘Impeachment trial’ ni Chief Justice Renato Corona.

Hindi ko po tinanggap ang kaso ni Cong. Ecleo. Ang lahat ng miyembro ng pamilya ko, kasama ang aking asawa, dalawang anak na nasa America at ang anak kong abogadong narito sa bansa, sampu ng aking mga kapatid at mga dinagdagan ay salungat na hawakan ko ang kaso. Anong sinabi sa akin ng mga anak ko tungkol dito: “Dad, ganda-ganda na ng pangalan mo, sisirain mo dahil lang sa pera.”

Ang kaso ni Cong. Ecleo ay sinundan ng pag-alok sa akin ni Sen. ‘Jinggoy’ Estrada na hawakan ko ang kanyang mga kaso sa PDAF o ‘pork barrel’, na kung saan kasama niyang akusado si Janet Napoles, ang sinasabing PDAF Queen. Sa parehong kadahilanan sa kaso ni Cong. Ecleo, tinaggihan ko rin po na hawakan ito kahit alam kong maraming salapi ang ibabayad sa akin.

Kaya ITOT, alam kong hindi mo kayang arukin at paniwalaan ang ginawa ko at ng aking pamilya dahil mukhang pera ka! Ipinaaalam ko sa iyo na mayroong higit na mahalaga kaysa sa salapi at kapangyarihan: ang dangal ng isang tao, at ang magulang ng lahat ng kabutihan:ang pagtanaw ng utang na loob!

“Gratitude is not only the greatest of virtues, but the parent of all others,” –Cicero

“ITOT, dahil hindi ka marunong tumanaw ng utang-na-loob, talaga nga palang walang maaasahang kabutihang manggagaling sa iyo ang sinuman.”

Marami akong naging kliyente dito sa Mulanay na hindi ko hiningan ng ‘attorneys fee’ sa paghawak sa kaso nila. Tulad nina:

1. Mabini Asia – Abswelto sa kasong “Physical Injuries”

2.Ito Tesalona – Abswelto sa kasong “Murder”

3. Nonong Roadilla – Abswelto sa kasong “Murder”

4. JR Soliven – Abswelto sa kasong “Murder”

5.Ruben Subia- Abswelto sa kasong “Murder”

6. Joey Roales – Abswelto sa kasong “Murder”

7. Roger Rioto – Abswelto sa kasong “Murder”

8. Fidelino Garcia – na-dismiss ang kaso laban sa kanya na “Serious Oral Defamation”

9. Brgy. Kap. Fred Ecaro vs. DILG Secretary Rafael Alunan -pinayuhang kong umupo siya agad bilang Pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) kahit hindi pa itinatakda ng DILG ang eleksiyon ng ABC. Naipanalo ko sa hukuman ang kasong ito at siya ay nanatiling Pangulo ng ABC at kagawad ng Sangguniang Bayan ng Mulanay hanggang matapos ang kanyang termino. Ang kasong ito ni Kap. Fred Ecaro ay walang katulad sa ‘history’ o kasaysayan ng bansa. Lahat ay nagtataka, HINDI LANG DITO SA MULANAY AT SA LALAWIGAN NG QUEZON, kung paano nangyari na siya ay naka-upo bilang Pangulo ng ABC samantalang wala pang halalan itinakda ang pambansang pamahalaan o DILG!!!  Sa kabila nito, bakit ITOT, tatawagin mo pa akong palpak na abogado? Dahil ba ako ay hindi mo na mapapakinabangan? INGRATO KA, WALANG DUDA!

10. Carlos Telosa, et al vs. Central Bank of the Philippines & Rural Bank of Lucena.

Sa kasong ito, napawalang-bisa ko ang palsipikadong sanlaan kaya naiwasang mailit ang lupa ng mga Telosa sa Sitio Bahaga, Brgy. San Isidro. Umabot ang kaso hanggang sa Supreme Court at ang kaso tumagal nang mahigit na 20 taon. Wala akong sinigil na attorney’s fee sa paghawak ko sa kaso ng napakatagal na panahon.

11. SAMALA , samahan ng mga daangdaan magsasaka na tinulungan ko sa kanilang adhikaing agraryo.

Ang mga sumusunod na kaso ay hinawakan ko rin:

12. Danny Tan at Dely Tan – Abswelto sa kasong “gun smuggling” na inihain ng NBI

13. Amadeo Tan – Naipabilanggo ko ang pumaslang sa kanyang anak

14. Anak na babae ni Kap. De la Paz – Naipanalo ko ang kanyang paghahabol ng ‘support’ at ‘trust fund’ para sa anak nito

15. Merla Fuerte, Lorna P. Cacha, Zaldy Pineda, Corazon Vallecer, Amelia Medallada-Tesalona, Josefa Estopace & Vilma Magsalin, vs. Mulanay Institute. Ang mga nagdemenda ay mga guro ng Mulanay Institute. Naipanalo ko ang ‘labor case’ nila laban sa MI at sila ay binayaran ng mga hinahabol nila.

16. Abella Farm D e v e l o p m e n t Corp.(Pamilya ng Abella) vs. Constancio Tan (May kasulatan po kami dito sa pagbabayad ng attorney’s fee).  Si Pareng Willie Abella po ay isang matalik na kaibigan sapul sa pagkabata namin nina Kuya at iba pang mga naunang miembro ng Light Bringers Club (LBC). Ang LBC ay sinira at patuloy na winawasak ng isang mapagsamantala, walang utang-na-loob at walang kabusugang maninipsip na linta: walang iba kundi si ITOT. ‘Introduction’ po lamang ito kaya balik po tayo sa kaso.

Lumapit si Pareng Willie sa akin at nakiusap na kung maaari kong tulungan ang pamilya nila para habulin ang mga lote ng Abella Subdivision na noon ay naipalipat na ni Mr. Constancio Tan sa kanyang pangalan. Masigasig si Pareng Willie kaya kahit sobrang dami ng hinahawakan kong kaso, naghain po ako ng demanda laban kay G. Constancio Tan. Pinagtiyagaan po namin ni Pareng Willie ang paghahabol sa kanilang  mga lupain o solar na may kabuuang laking mahigit sa 2 ektarya. Matagal na kasuhan din at maraming taon ang inabot. Sa kabutihang palad, kami ng Pamilya Abella ay nanalo sa Regional Trial Court ng Quezon City.

Nag-apela po si G. Constacio Tan sa Court of Appeals. Ngunit sa kagustuhan ng mga naglalaban, sila po ay nagkasundo na hatiin na lamang ang mga lupaing hinahabol ng mga Abella: 60% ang mapupunta sa mga Abella at 40% naman kay Mr. Tan. Maganda na ito, dahil ang lupaing wala na sana sa mga Abella ay naibalik sa kanila. Laking pasasalamat ng mga kamag-anak ni Pareng Willie sa kanya sa nangyaring ito.

Mayroong pong ‘happy ending’ ang kasong ito. Pagkatapos nang mahaba at mapait sa paglalabanan sa hukuman, ang yumaong G. Constancio Tan, na aming nakalaban sa kaso, dahil sa nakilala niya ang aking ugali at pagkatao, ay kinuha niya akong tagapamahala ng 40% na kabahagi niya. Sabi ko ay tatanungin ko muna ang mga Abella kung papayag. Dahil na rin sa malaking tiwala ng mga Abella sa akin, ay pumayag din sila sa mungkahi ni Mr. Tan. Kaya hanggang mamatay si Mr. Tan, ako po ang namamahala ng mga lupain ng dalawang panig.

ITOT, sino kaya sa mga nakalaban mo ang magtitiwala sa iyo? SAGOT: WALA! Sigurado ako.

Marami pa pong ibang kaso na hinawakan ko ngunit sa katagalan ay hindi ko na maalaala. Hindi ko po isinama sa listahan sa itaas ang mga kaso ng hindi Mulanayin.

ITOT, di ba nilalait mo pa ako at tinatawag mo pa akong magaling (daw) na abogado? Kaparehong-kapareho ka ng isang MAYOR na naging kliyente ko, na bukod sa hindi marunong magbayad nang sapat ay nilalait din ako. Mahina raw akong abogado, subalit lahat naman ng mga kaso niya at ng kanyang pamilya ay pinahahawakan sa akin. Nang ako ay winalanghiya niyang muli, binitawan ko ang lahat ng mga kaso nila. Maraming kaso nila ang hinawakan ko sa loob ng maraming taon. Ang ilan ay ang mga sumusunod:

1. RAMON Y. TALAGA, JR. vs. KATIGBAK ENTERPRISES, INC. ( CON AMOR BRAODCASTING CORP.), ADM. CASE NO. 2003-091 COMMISSION ON INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY NATIONAL TELECOMUNICATIONS COMMISSION QUEZON CITY

2. NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION vs. KATIGBAK ENTERPRISES ADM. CASE NO. 2001-119 DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION QUEZON CITY

3. JALCO GROUP OF COMPANIES, INC. vs. JOSELITO A. OJEDA and all persons claiming rights over him CIVIL CASE No. MCTC-08-006 5th MUNICIPAL CIRCUIT TRIAL COURT TALISAY-LAUREL, BATANGAS

4. JAY TITO Q. OJEDA vs. HON. JUDGE LIBRADO P. CHAVEZ and JALCO GROUP OF COMPANIES, INC., SP CIVIL ACTION NO. 12-08-088A FOR: CERTIORARI (CIVIL CASE NO. MCTC 08-006) REGIONAL TRIAL COURT, BRANCH 6, CITY OF TANAUAN, PROVINCE OF BATANGAS

5. Re: GILBERT A. OJEDA for Serious Dishonesty; Falsification of Official Documents;G r a v e Misconduct; Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service; Examination Irregularity (Impersonation) D-04-01-0198-E ( Philippine Postal Corporation – Postal Region IV) CIVIL SERVICE COMMISSION REGIONAL OFFICE NO. IV #139 Panay Avenue, 1103 Quezon City

6. GILBERT A. OJEDA VS. RAYMUNDO R. ESPINOSA and FRANCISCO T. DUQUE III, PETITION FOR CERTIORARI CA-G.R. No. 127626 COURT OF APPEALS, Manila

7. CYNTHIA OJEDA-RICHTER’S CLAIM AGAINST MEGAWORLD CORPORATION PARA MAKAKUHA NG REFUND

“Marami pa akong mga kaso ni MAYOR na hinawakan ngunit hindi ko lang maalaala dahil mga dekada na ang lumipas. Basahin po ninyo ang sinulat ni G. Bodjie Bariata na may pamagat na ‘Pagbabalik Tanaw‘ at makikita ninyo doon ang iba pang serbisyong legal na ginawa ko para sa kanya.